^

PSN Showbiz

Bakit si Gerald at hindi si Aicelle?

-
Maraming nagulat at nagtaka nung name ni Gerald Santos ang in-announce ni Regine Velasquez as the 2nd grand champion ng Pinoy Pop Superstar instead of Aicelle Santos na sobrang ganda ng pagkakanta, malinis at hindi man lang sumablay ni minsan, bukod pa sa magandang performance niya sa buong gabi ng kontes.

Samantalang si Gerald ay ilang beses nag-flat at nawala sa tono, pero siya pa rin daw ang pinaboran ng mga hurado, buhkiiit?

Anyway, say ng mga kasamahan sa hanapbuhay na nanood sa Big Dome nung Sabado ng gabi, "Mas kailangan ni Gerald ng premyo, siya yung pinakamahirap, si Aicelle maski paano, nakakaangat sa buhay kumpara kay Gerald. At saka may paglalagyan na si Aicelle, maganda ang timbre ng boses niya, abangan mo, baka mas sisikat pa siya kay Jonalyn Viray."

Di kaya ang pagiging over confident at pro ni Aicelle kaya na-luz valdez siya, kumpara kay Gerald na talagang amateur ang dating?

At least, nakahanap na ng loveteam si Jonalyn, bagay sila ni Gerald dahil pareho sila ng height, ask ko lang, ipapa-nose job din kaya ng Artist Center si Gerald kay Dra. Vicki Belo tulad ni Jonalyn?
* * *
May bagong sitcom pala ang ABS-CBN at pawang new faces ang cast at nauna pa palang magpa-audition ito sa Pinoy Big Brother Teen Edition, ang bagong project ni Direk Bobot Mortiz, ang Let’s Go ay tatalakay daw sa buhay estudyante na pawang nakaranas tumira sa dormitoryo.

Magaganda ang cast ng Let’s Go, may familiar face roon, si Charrie Pineda, girlfriend ni Tyron Perez, ang Starstruck Avenger batch 1 na hindi rin nabibigyan ng exposure kaya hindi na kami magtataka kung lilipat na rin ito sa Dos.

Going back to Let’s Go, kasama rin ang younger sister ni Toni Gonzaga na si Cathy na sa tingin namin ay mas maganda pa rin ang ate niya. Ang ibang cast ay sina Blumark Roces, Kontin Roque, Timmy Boy Sta. Maria, Mikel Campos, Valerie Garcia, Eda Cabalin, Jana Pablo, Badjie Mortiz, Joem Bascon at Janelle Quintana.

Dose lahat ang housemates sa dorm ng Let’s Go, di kaya sila ang ipangtatapat sa Pinoy Big Brother Teen Edition?

Pero ang katwiran ng magkaka-dorm na ito ay mas mahaba raw ang tatakbuhin ng Let’s Go kumpara sa PBBTE na isang buwan at kalahati lang.

Teka, bakit kaya hindi na lang mag-join sa Let’s Go yung mga na-evict sa PBBTE?
* * *
And speaking of Pinoy Big Brother Teen Edition ay parehong napalayas na sa Bahay ni Kuya ang magka-loveteam na sina Bam Romana at Niña, ang tinaguriang sossy na taga-Makati.

Si Bam ay forced eviction ang nangyari dahil sa rami ng violations sa loob ng PBB house at si Niña ay ibinoto ng kapwa housemates na mapalayas na at hindi rin siya iniligtas sa text votes.

Naawa kami kay Niña dahil siya yung nakikita naming in need among the housemates dahil may malaking problema raw ngayon ang mommy niya na marami raw utang dahil sa credit cards at gusto niyang tulungang magbayad.

Si Bam naman ang nangakong tutulong sa pamilya dahil ang dating bread winner niyang ateng artista na si Dimples Romana ay may sarili nang pamilya at nahihiya na silang umasa pa.

Kaso, hindi natupad ni Bam ang pangako dahil napaaga ang pagpapalayas sa kanya sa PBB house, kaya naman kitang-kitang hiyang-hiya siya sa mommy niya nung gabing sinalubong siyang palabas sa bahay. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

AICELLE

AICELLE SANTOS

ARTIST CENTER

BADJIE MORTIZ

BAM ROMANA

BIG DOME

BLUMARK ROCES

PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION

SI BAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with