^

PSN Showbiz

Marvin, bibili ng condo sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo -
Nakabalik na ng Maynila nung Biyernes (April 28) ng  umaga ang buong tropa ng I Luv New York na nag-taping ng halos isang buwan sa Big Apple sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.

Magkakasamang bumalik sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Jennylyn Mercado at Mark Herras ang production staff ng bagong teleserye ng GMA-7.

Samantala, isang kasamahan ng grupo ang nagbalita sa amin na pinagselosan umano ni Mark Herras ang Hollywood actor-model na si Mark Fraiden na nagpakita ng interes sa kanyang ex-girlfiend.

Si Mark Fraiden ay may special participation sa I Luv New York bilang manliligaw ng character na ginagampanan ni Jennylyn. Sa isang exclusive interview, personal na inamin ng Amerikanong aktor na kursunada niya si Jennylyn dahil gandang-ganda umano siya rito. 

Kakaiba umano ang beauty ni Jennylyn sa mga babaeng kanyang nakilala. At dahil dito, balak umano ni Mark magpunta ng Pilipinas para dalawin ang singer-actress.

Ngayong nakabalik na sina Jennylyn at Mark Herras ng Maynila, balik kaya si Mark ng kanyang pamimintuho kay Marian Rivera? Naging extra sweet kasi sina Mark at Jennylyn nung sila’y nasa New York at madalas silang makitang magka-holding hands pa.

Nakabawi naman si Jolina sa kanyang US-based boyfriend na si Bebong Muñoz dahil isang linggong namalagi ang huli sa New York para lamang makasama ang kasintahan. Bago naman bumalik ng Pilipinas ay dumaan si Jolina sa Minnesota para naman magpaalam sa kanyang boyfriend.

Napag-alaman naman namin na nakipag-negotiate na umano si Marvin sa condo unit na balak niyang bilhin sa Manhattan, New York. 

Ipagpapatuloy naman dito ang taping ng I Luv New York.
* * *
Ayaw na ni Ara Mina na pakialaman ang lovelife ng kanyang nakababatang kapatid na si Cristine Reyes. Nang dahil kasi sa kanyang pakikialam nang manligaw sa kanyang kapatid si Keempee de Leon, nagkaroon sila ng samaan ng loob nito.

Kung totoo man na nanliligaw kay Cristine ang batang gobernador, walang magiging problema sa kanya pero mananatili umano siyang nakasubaybay sa kanyang kapatid.

Ngayong nakabalik na si Ara matapos ang kanilang month-long series of shows sa Amerika, balik naman siya sa kanyang mga tapings at ibang commitments at pagharap sa kanyang mga negosyo.
* * *
Nakatakdang magtanghal sa University of Guam Field House ang Prince of Pop na si Erik Santos sa darating na Sabado, May 7 kung saan niya makakasama sina Vina Morales at Frenchie Dy bilang special guests. Sina Erik at Frenchie ay nasa pangangalaga ng Backroom, Inc. ni Boy Abunda habang si Vina naman ay alaga ni Joji Dingcong.
* * *
Tiyak na maninibago ang mga televiewers pag mapanood nila si Richard Gomez sa isang contravida role sa malapit nang magsimulang Captain Barbell fantaserye na pangungunahan ni Richard Gutierrez. Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahan na gaganap siya sa isang contravida role.

Ayon kay Goma, challenging umano ang kanyang role kaya niya ito tinanggap. Aware ang mister ni Lucy Torres na hindi naman kasi habang buhay ay puro lead roles ang kanyang gagampanan at bilang isang aktor, kailangan ding gumanap sa mga anti-hero roles.

Ang isa pang gaganap na kontrabida sa isa pang teleseryeng Bituin Walang Ningning ay si Dominic Ochoa. Siya ang magpapahirap sa character na gagampanan naman ni Aiai delas Alas na siyang gaganap na ina ni Sarah Geronimo sa nasabing serye.

Sabagay, kahit si Christopher de Leon ay gumaganap na rin sa mga contravida roles.
* * *
Tulad ng kanilang manager na si Boy Abunda na maraming pinagkakaabalahang show, hindi rin siyempre nagpapahuli ang kanyang mga alaga tulad nina Aiai delas Alas, Bianca Gonzales, Mariel Rodriguez, Rufa Mae Quinto, K Brosas, Erik Santos, Amy Perez, Frenchie Dy, Ariel Rivera, Dominic Ochoa at iba pa.

May bagong teleserye si Aiai, ang Bituing Walang Ningning.  Kasama rin sa nasabing teleserye si Dominic Ochoa. Magkasama sa Pinoy Big Brother Teen Edition sina Bianca at Mariel at si Rufa Mae Quinto naman ay may tatlong TV programs sa GMA

Dalawa naman ang TV program ni K Brosas, ang Hokus Pokus at ang Bitoy’s Funniest Videos. Kabi-kabila naman ang mga shows and concerts ni Erik Santos bukod siyempre sa regular itong napapanood sa ASAP

Si Ariel Rivera naman ay isa sa mga tampok na bituin sa Duyan ng Now and Forever habang si Amy Perez ay kasama sa drama series na Gulong ng Palad at Kalusugan TV ng RPN-9.
* * *
May kumukwestiyon man sa namumuong special  friendship ngayon sa pagitan nina Rica Peralejo at Piolo Pascual, may karapatan din naman sigurong maging masaya ang dalawa kung saka-sakali mang mauwi sa totohanan ang kanilang pagkakaibigan. In the first place, parehong single at unattached ang dalawa at may karapatan din naman siguro silang maging maligaya tulad ng iba.  
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

CENTER

DOMINIC OCHOA

ERIK SANTOS

I LUV NEW YORK

JENNYLYN

KANYANG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with