^

PSN Showbiz

Alessandra, mas maganda kay Assunta!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan naming si Alessandra de Rossi sa farewell party ng Encantadia kung saan naiyak ito sa pagtatapos ng programa.

Higit na maganda ngayon si Alex at nagbiro ito na higit naman siyang maganda kaysa sa kapatid na si Assunta.

Nakalinya na ang pelikulang gagawin niya sa direksyon ni Gil Portes tentatively titled Our Father na gagawin pa sa Greece.

"Excited na nga ako dahil pangarap ko na makarating ng Egypt. Bata pa ay nakakabasa na ako tungkol sa lugar na ito na mayaman din sa kultura," dagdag pa ng aktres.
BJ "Tolits", May Bagong Show Na Naman
Abala ngayon sa promosyon ng kanyang album under Universal Records si BJ "Tolits" Forbes. Ang kanyang "Hey! Oh! Capuccino" ay may video track. Ang audio track naman ay binubuo ng 14 na awitin. Walang kapaguran si BJ sa kanyang mall tour.

Sa umaga, nagti-taping si BJ dahil nag-aaral ito sa Angelicum College. Sa isang taon ay Grade III na siya.

Bukod sa Eat Bulaga ay kasama rin si BJ sa bagong show sa GMA 7 titled Fantastic Kids.
Blind Item: Nagpatangos Ng Ilong
Nasa umpukan kami ng mga press people sa isang showbiz gathering. Nagbubulungan ang mga writers nang makatabi ang isang sikat na dancer ng isang popular na dance group.

"Gumanda siya nang magpatangos ng ilong," sey ng isang writer.

"Sobrang tangos naman kaya halata na retokada ito," sey naman ng isa pang writer.

Hindi kami magtataka kung bakit nililigawan na ito ng ilang gwapong celebrities dahil sa laki ng ipinagbago ng mukha.

vuukle comment

ANGELICUM COLLEGE

BLIND ITEM

EAT BULAGA

FANTASTIC KIDS

GIL PORTES

MAY BAGONG SHOW NA NAMAN

NAGPATANGOS NG ILONG

OUR FATHER

TOLITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with