^

PSN Showbiz

Jackie, may talent na, maganda pa!

- Veronica R. Samio -
Tahasang sinabi ng direktor ng Encantadia na si Direk Mark Reyes na magtatapos na sa linggong ito na hindi babagay kay Iwa Moto kung sakali mang sa kanya napunta ang role ni Armea sa Encantadia.

"Ewan ko ba pero, nang mabihisan si Jackie (Rice) ng kanyang costume sa Encantadia ay nakamukha na niya si Karylle. Bagay silang mag-ina."

Nang tanungin naman siya kung hindi ba siya nahirapan na idirek ito dahil sa bagung-bago pang artista, sinabi niya na "Magaling silang umarte ni Marky Cielo. Marami nga ang nagulat sa kanila. Sa kanilang dalawa, Jackie needs a lot of work para mas gumaling pa pero, napaka-sipag niya. Di siya katulad ng marami na wala nang talent, tamad pa. Si Jackie, masipag na may talent pa. At maganda."

Hindi nakapagtataka kung maging malungkot ang pagtatapos ng telefantasya. Matagal ding tumakbo ang serye, mga 258 episodes. Sa misa nga na isinagawa dun mismo sa set ng telefantasya sa Pasig, pati si Alfred Vargas ay nangingilid ang luha. Sabi nga ng paring nag-misa, maraming napasayang manonood ang serye, pati na ang mga sakristan niya na mahigit sa isa ang nagprisintang asistihan siya nang malamang ang misa ay pasasalamat para sa pagtatapos ng fantaserye. "Pero, di naman tayo dapat malungkot dahil babalik din naman ito. Di nga lamang agad-agad pero, ang palabas sa TV ay paikut-ikot lamang. Baka makaraan lamang ang 10 taon ay mapapanood nating muli ito sa ere," sabi niya.

Pati si Direk Mark ay nagpalipas ng apat na araw sa Hongkong para magamot ang lungkot na nadarama niya. Pero, lalo lamang siyang nalungkot nang makita niya si Sunshine Dizon sa cover ng Mabuhay Magazine na ibinibenta dun.

Si Sunshine din ang bumulaga sa paningin ni Alfred na pumunta naman ito ng China. Cover din ito ng isang magasin na Pinoy.
* * *
Tamang-tama sa bakasyon ang pagpapalabas ng Trip Na Trip, isang travel show ng ABS CBN. Layunin ng programa na i-promote ang tourism ng bansa. Kung inaakala natin na ang pagbibiyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay para lamang sa mga may pera, dito tayo nagkakamali. Ipakikita sa atin ng show, sa tulong ni Franzen Fajardo (PBB housemate) na sa halagang P2,500 ay pwede tayong makapag-bakasyon maging sa mga popular na tourist places tulad ng Palawan at Boracay.

Ang kilalang news reporter at co-anchor ng Magandang Gabi Bayan na si Katkat de Castro will discuss the best way to travel to a pre-chosen destination, magbibigay din siya ng tips sa mga coolest accomodations available. Nood kayo dahil tulad ko, siguradong naghahanap kayo ng murang mapupuntahan ngayong bakasyon kasama ang pamilya n’yo.
* * *
Hindi ko pa man naipapaabot ang aking pakikiramay sa aking kaibigan at ninang na si Zoila Meneses sa pagkamatay ng kanyang kaisa-isang anak nung nakaraang linggo ay eto na naman ang isang malungkot na balita.

Namatay nung Linggo ng gabi ang aking kaibigan at itinuturing na isa nang kapamilya, si Chat Silayan, sa edad na 46, matapos maratay sa banig ng karamdan sa St. Luke’s Hospital ng mahiagit sa isang buwan sa sakit na cancer of the colon.

Nakikidalamahati ako sa kanyang asawang si Mike Bailon, sa kanilang mga anak, na si Victor, 17, Timothy, 13 at Micaela, 11, sa ina at mga kapatid ni Tita Chat na matagal na panahon ko ring nakasama.

Isang masayahing tao si Tita Chat nung nabubuhay pa, isa sa pinakamagandang babae, inside and out. She got her wish to die, not during the Holy Week but on a Sunday. Paalam, tita Chat, hinding-hindi kita makakalimutan.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

DIREK MARK

ENCANTADIA

FRANZEN FAJARDO

HOLY WEEK

IWA MOTO

MABUHAY MAGAZINE

MAGANDANG GABI BAYAN

TITA CHAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with