^

PSN Showbiz

Big night ng PBBCE, sa Mla. Post Office gagawin!

-
Sa April 1 na gaganapin ang big night ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition at sa mismong harap daw ng Manila Post Office gaganapin sa may Liwasang Bonifacio.

Say mismo ni Ms. Linggit Tan, isa sa business head ng PBBCE ay, "Maganda kasi ang proposal ni Mayor Lito Atienza, at saka nagustuhan ko rin naman, tulad sa launching sa Baywalk, di ba, ang ganda-ganda at organisado pa, imagine libre na ‘yung venue, binigyan pa ako ng more than 400 na tauhan tulad ng pulis, tanod, may K9 dogs pa kaya walang nangyaring aksidente. Imagine, pinasara niya ‘yung some parts ng Roxas Boulevard tapos may mga streamers pa sa poste ng mga ilaw at kung ano ang kailangan, nandiyan sila at personal na inasikaso tayo kaya nakakatuwa.

"Tapos sabi nga, sa big night kung gusto raw namin na sa Manila uli gawin, so nag-ocular ako the other day at nakita ko ‘yung Post Office na may 14 pillars, sabi ko ay tamang-tama ito, dito tayo kasi bagay sa 14 housemates. Tapos bakanteng lugar pa ‘yung harapan mismo ng post office kaya puwedeng maglagay ng chair doon para sa invited press people, clients at parents lang ng housemates. Hindi na ako mag-iimbita ng marami kasi limited ang lugar," pahayag ni LT (tawag kay Linggit).

At nang tanungin namin kung sino ang gustong manalo ni Linggit among the celeb housemates ay, "Naku, hindi naman kami ang mamimili, ang viewers kasi sa text votes, e, kung kami lang, di madali lang."

Pero puring-puri ni Linggit si Keanna Reeves dahil mabait at totoong tao raw ito at naawa siya sa mga anak na nakahiwalay sa kanya. Type rin niya si Zanjoe Marudo dahil guwapo at tiyak na sisikat kapag nag-artista.

At naawa rin ang executive kay Rustom Padilla dahil naiintriga pa rin daw ito, "Nagulat nga ako sa isyung may Aids o HIV positive siya." 
* * *
Samantala nagbigay ng kumpletong detalye ng 3rd evictee ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition na si Aleck Bovick tungkol sa kaso nila ng ex-manager niyang si Coco Simmo.

Yes, ex-manager na raw ni Aleck ang dati niyang boyfriend ng dalawang taon at live-in partner ng another two years dahil sa ngayon ay si Arnold L. Vegafria na ang nagma-manage ng career niya.

Nagtataka lang daw si Aleck dahil kung anu-ano pa raw ang mga pinagsasabi ni Coco tungkol sa kontrata niya gayung na-revoke na raw ito kaya nga raw may demandahan sila.

"I don’t want to go into details dahil nasa korte na at alam ni Coco na wala na siyang habol pa sa akin kaya nagugulat ako na magdedemanda raw siya dahil sa pagpasok ko sa PBBCE, ano ‘yun?" esplika ni Aleck.

Hindi kami pamilyar sa gusot nina Aleck at Coco pero base sa mga narinig naming paliwanag niya sa ibang entertainment media off-camera ay estafa at libelo ang mga kasong nakasampa na hindi lang maliwanag sa amin kung sino ang kinasuhan. 

Anyway, hindi man diretsong inamin sa amin ni Aleck na ‘like hell’ ang naging relasyon niya noon kay Coco dahil naging bulag, pipi at bingi siya.

Later on ko na lang nalaman ang lahat, before puro tsika lang, e, hindi ako nakinig at saka nakakulong ako noon, bahay, shooting at sine lang ang itinerary ko. Imagine, walking distance lang ang condo unit namin sa mall, pinasasakay pa niya ako at talagang hinahatid pa, hindi ako maka-gimik o makapag-malling ng gusto ko," dagdag kuwento pa ng kalbong sexy star.

Sa ilang oras naming pakikipagkuwentuhan kay Aleck ay napansin naming may utak siya at diretsong kausap, di tulad ng ibang sexy stars.

Sayang nga lang at 2nd year high school lang ang inabot ni Aleck dahil nga sa nangyari sa pamilya niya, pero pinayuhan siya ni Manay Ethel Ramos na magpa-tutor at saka kumuha ng entrance exam sa kolehiyo para makatapos siya ng pag-aaral.

At bilib din kami sa boyfriend niyang si Carlo Maceda dahil maski na ilang degree na ang natapos nito sa kolehiyo at professor pa ito sa isang exclusive school ay minahal niya ang isang Aleck Bovick.

Samantala, kay Aleck na rin pala nagmula na gusto na niyang ma-evict dahil miss na miss na niya ang tatay niya, pamilya at siyempre si Carlo.

"Kaya nga panay ang parinig ko na ‘baby, magkikita na tayo. Kaya never na sumama ang loob ko sa mga nag-nominate sa akin para mapalabas ako sa Bahay ni Kuya dahil ako mismo ang may gusto," deretsahang pahayag ni future Mrs. Carlo Maceda. — Reggee Bonoan

vuukle comment

AKO

ALECK

ALECK BOVICK

ARNOLD L

DAHIL

LANG

LINGGIT

NIYA

PINOY BIG BROTHER CELEBRITY EDITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with