^

PSN Showbiz

Juday at Ryan, wala pang planong pakasal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Maagang nag-alisan ang ibang cast ng Sa Piling Mo pero, si Judy Ann Santos, nagpa-iwan at game na nakipag-tsikahan sa press kahit medyo gabi na. Lahat sinagot niya maliban sa isyung pagdedemanda niya sa reporter na naglabas ng picture ng batang babaing in-adopt at itinuturing na anak.

"Wala akong plano sa kanya. It’s not true (ang demanda), wala akong pera," sabi nito at sinundan ng tawa.

May press na kapangalan ng reporter na naglabas ng picture ng bagets na nagpapirma ng autograph kay Judy Ann. Tinukso siya ng mga reporter na nakapalibot sa kanya pero, hindi pa rin ito nagsalita.

Komportable nang pag-usapan ni Judy Ann si Ryan Agoncillo at ang kanilang mga plano kahit si Piolo Pascual ang kapareha niya sa teleserye ng ABS-CBN. Siguro dahil tanggap na ng kanilang fans na for reel lang ang kanilang loveteam.

Ang cute ngang ma-in love ng actress dahil laging nakangiti, madaling tumawa, kinikilig at nagba-blush. Pang-Valentine’s Day ang sinabi nitong "Tama lang na naghintay ako dahil tamang guy ang dumating sa akin."

"Oo," agad ang sagot nito sa tanong kung si Ryan na ba talaga ang guy for her. Pero, wala pa silang balak magpakasal altho napag-uusapan nila paminsan-minsan.

Kami naman ang natawa sa sagot nitong "Huwag namang years, mga two years puwede na kaming magpakasal," sa binanggit ng isang reporter na baka abutin sila ng mahabang panahon bago humarap sa altar.
* * *
Simula ngayong Lunes, balik-Encantadia ang apat na Sangg’re. Tutukan ang fantaserye dahil seven weeks lang itong tatakbo’t tatapusin lang ang istorya nina Amihan (Iza Calzado), Alena (Karylle), Danaya (Diana Zubiri) at Pirena (Sunshine Dizon) at mamamaalam na sa ere ang favorite ninyong fantaserye.

Natutuwa man sa pagbabalik ng Encantadia, nalulungkot naman ang viewers na kinikilig kina Pirena at Aval (Sid Lucero). Hindi na kasi magkakasama sa eksena ang dalawa’t matitigil ang cute nilang bangayan at insultuhan.

Samantala, apo pala ng the late Salvador Doy Laurel at Celia Laurel ang non-showbiz girlfriend ni Sid na si Rozie Laurel. Apo rin siya ng owner ng Delgado Medical Center at pinsan siya ni Denise Laurel na girlfriend ni AJ Eigenmann na pinsan ni Sid. Nakita namin ang dalaga sa press party ng Darna last year. Puwede siyang mag-artista’t maputi at maganda.
* * *
May follow-up movie na si Marian Rivera after siyang ma-introduced sa Enteng Kabisote: The Legend Continues. Siya ang leading lady ni Dennis Trillo sa Regal Entertainment horror movie na Pamahiin.

Nag-story conference na last Saturday ang movie na ididirek ni Rhyan Carlos. Agad sisimulan ang shooting dahil before Holy Week ang playdate nito. Maganda raw ang role ni Marian na ikina-i-excite nito’t gusto niyang siya’y natsa-challenge.

Hindi mahihirapan ang dalaga halimbawang lagyan siya ng prosthetics dahil nasanay na siya nito sa afternoon soap na Agawin Mo Man Ang Lahat. Wala itong reklamo kahit isang oras inilalagay at inaalis ang prosthetics sa kanyang mukha. Gaganda ang dalaga pero, matagal pa kaya, dusa muna siya sa prosthetics.

vuukle comment

AGAWIN MO MAN ANG LAHAT

CELIA LAUREL

DELGADO MEDICAL CENTER

DENISE LAUREL

DENNIS TRILLO

DIANA ZUBIRI

ENCANTADIA

JUDY ANN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with