Donita, kontrabida na rin!
February 17, 2006 | 12:00am
Di ko nakausap ng personal si Donita Rose sa pa-presscon ng Genesis pero, sa kaibigan niya of long standing na si Virgie Balatico nagbuhat ang impormasyon na nakahanda na itong mag-shoot ng kanyang international movie na pinamagatang Seed of Contention na kung saan ay role ng kontrabida ang gagampanan niya. Tampok din sa movie sina Matthew Settle, Lenore Varela, Pierre Ng na nakasama rin ni Donita sa Money series sa Singapore, Chinchin Gutierrez, KC Montero, Carla Martinez at iba pa.
Ang pelikula ay proyekto ng kanyang kaibigan at bridesmaid sa kanyang kasal na si Anna Marie Laperal na siyang tumatayong producer, scriptwriter at direktor ng pelikula. Ang buong crew ni Anna ay naririto na sa Maynila para sa shooting.
Nung Peb. 16 pa sa Baguio ang Members. Lumibot sila sa mga istasyon ng radyo at kinahapunan ay nag-perform sila sa SM City Mall Baguio. Ngayong Biyernes, Peb. 17, lilibot sila ng mga bar.
Ang Members ay mga artist ng Dyna Music at mayron na silang self-titled album na ang carrier single ay ang matagumpay na "Eddie". Binubuo ito nina Rey Nuñez (vocals/rhythm guitar/keyboards), Voltaire Gumban (drums), Jan-Michael Gonzales (acoustic/electric/bass guitar at Rod Mijares (lead guitar).
Susunod kay Andy, ang Hermans Hermits at ang Sergio Mendez & the Brazil 66. Kung di namatay si Elvis Presley, malamang nakapunta rin siya dito, kahit matanda na siya. Sayang!!!!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















