Willie, Bayani, bati na!
February 11, 2006 | 12:00am
May naibunga rin palang maganda ang trahedyang nangyari sa Ultra dahil nagkabati na sina Willie Revillame at Bayani Agbayani. Nagkita umano sina Willie at Bayani sa isang misa na isinagawa ng ABS-CBN at si Bayani na mismo ang unang lumapit at yumakap kay Willie. Natuwa umano ang mga nakasaksi dahil may ilang taon na rin umanong may gap ang dawalang komedyante.
Samantala, wala pa ring katiyakan kung ipagpapatuloy pa rin sa ere ang programa ni Willie Revillame, ang Wowowee.
Samantala, kaabang-abang naman ngayong gabi ang Bitoys Funniest Videos ni Michael V. sa kanilang pre-Valentine presentation.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















