Judy Ann, woman in love
February 1, 2006 | 12:00am
"Woman in Love," yan ang diskripsiyon ng marami kay Judy Ann Santos ngayon dahil kitang-kita sa mukha nito ang pagiging in-love. Siyempre pa, ang masuwerteng guy ay walang iba kundi si Ryan Agoncillo na katambal ni Juday sa unang episode ng Komiks na matutunghayan na ngayong Pebrero 4 sa ganap na ika-6 ng gabi. Sina Juday at Ryan ang mga pangunahing bituin ng Inday Bote na siyang first episode na matutunghayan sa bagong programa ng ABS-CBN na pinamagatang Komiks dahil lahat ng mga istorya na matutunghayan dito ay lahat halaw o hango sa komiks na sinulat ng mga batikang nobelista o komiks writers tulad nila Pablo S. Gomez, Elena Patron, Vic Poblete, Rod Santiago at maraming iba pa.
Lahat ng mapapanood na episode sa Komiks ay parating wakasan linggu-linggo. Bukod sa Inday Bote na ginawang pelikula noon at pinagbidahan ni Maricel Soriano, nasa line-up na rin ang ibang episodes tulad ng Blusang Itim na pagbibidahan ng dating housemates ng PBB na sina Cassandra Ponti at Uma Khouni, Vincent na pangungunahan ng dating magkasintahang Rica Peralejo at Bernard Palanca, Agua Bendita na tatampukan nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, Ang Paa ni Isabella na pagbibidahan nina Luis Manzano at Toni Gonzaga at ang Mamayang Hatinggabi nina Anne Curtis at Geoff Eigenmann.
Samantala, walang katotohanan ang lumabas na balita na hindi pinanood ni Ryan ang Dont Give Up On Us nina Juday at Piolo Pascual dahil ayaw nitong makaramdam ng selos. On the contrary, inamin ni Ryan na pinanood niya ang pelikula at nagandahan umano siya. Katunayan, kinongratulate pa ni Ryan ang kanyang kasintahan dahil alam niya ang pinagdaanan nitong hirap nung ginagawa nila ni Piolo ang pelikula.
Speaking of Thats Entertainment, bakit kaya hindi ito ibalik ng GMA at ilagay sa QTV para lalong lumakas ang bagong TV network na pag-aari rin ng GMA?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended























