^

PSN Showbiz

Balik-showbiz si Lara Morena!

RATED A - Aster Amoyo -
Nagbabalik-showbiz ang maganda at seksing si Lara Morena na kagagaling pa lamang ng Amerika. Kung tutuusin, mas maganda at lalong sumeksi si Lara at hindi mo iisipin na meron itong dalawang anak sa kanyang businessman ex-husband na si Fausti Galang, sina Millen na magsi-seven na at si Paolo (4).   

Although hindi pa annulled ang kasal nina Lara at Fausti, nasa proseso na umano  ito. Nagkahiwalay man sila ng kanyang husband ay nanatili naman silang magkaibigan. Minsan ding na-link si Fausti kina Maureen Larrazabal at Rachel Lobangco.   

Nagpabalik-balik si Lara ng Amerika dahil sa kanyang boyfriend na isang professional golfer na naka-relasyon niya ng halos dalawang taon.  Ang buong akala ni Lara ay nakatagpo na talaga siya ng lalaking makakasundo niya ng husto pero hindi ganoon ang nangyari dahil may kakaiba umano itong ugali. 

Sobra raw itong seloso at ayaw din siyang pagtrabahuhin nito. Minsan daw ay nagselos ito at siya’y sinaktan at itinapon sa labas ng bahay ang kanyang mga gamit. Kakaiba raw ang ugali nito kapag nagagalit kaya tinapos ni Lara ang kanilang ugnayan at bumalik siya ng Pilipinas.   

Umaasa si Lara na may puwang pa rin sa kanya ang showbiz at may isa pa siyang alternatibo dahil may talent din siya sa pagkanta.   

Na kay Fausti ang mga bata at na kay Lara naman kapag weekend ang mga ito.  Nananatili pa ring close si Lara sa kanyang in-laws lalo na sa mommy ni Fausti. 
* * *
Ano na kaya ang nangyari sa career ni Ronian Poe?  Matagal-tagal na ring walang balita sa kanya.  Ni hindi namin nabalitaan kung may nagawa itong proyekto o wala.   

Samantala, kung walang bagong balita ngayon tungkol kay Ronian, ang kanyang half-sister na si Lovi (Lourdes Virginia Poe) ay unti-unti nang gumagawa ng pangalan hindi lamang bilang isang mang-aawit kundi bilang guest VJ ng My Music Channel ng QTV. 

Kasalukuyang tinatapos ni Lovi ang kanyang unang album na ire-release ng Sony-BMG na naglalaman ng mga komposisyon mula kina Ogie Alcasid, Raymond Ryan, Edwin Marollano, Joven Tan, Sherwin Castillo at Ferdie Marquez.   
* * *
Matagal-tagal na ring nababalita na hiwalay na umano ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson pero ito’y ayaw na lamang patulan ng mag-asawa.   

Sa presscon ng Tinig, ang ika-apat na season ng Now & Forever, inamin ni Gary na tulad ng ibang mag-asawa, nagkakaroon umano sila ng tampuhan pero hindi naman umano ito humahantong sa kanilang paghihiwalay.   

Dalawang beses nang sumubok si Gary sa larangan ng pulitika pero hindi siya pinalad. Si Bernadette ang ayaw na pasuking muli ni Gary ang pulitika. Mas gusto pa nito na magnegosyo na lamang sila.   

Mula kay Arnold Vegafria, si Gary ay nasa pangangalaga na rin ngayon ni Popoy Caritativo na siya ring manager nina Dennis Trillo at Marian Rivera.
* * *
<[email protected]>

vuukle comment

AMERIKA

ARNOLD VEGAFRIA

BERNADETTE ALLYSON

DENNIS TRILLO

EDWIN MAROLLANO

FAUSTI

FAUSTI GALANG

LARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with