^

PSN Showbiz

Jennylyn, maging Best Actress kaya?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Puring-puri ang akting ni Jennylyn Mercado sa Blue Moon at sinabing strong contender ito sa pagiging Best Actress sa darating na Metro Manila Film Festival Awards Night.

May isa palang pangarap si Jenny na gustong gampanan at ito ay ang pagiging mentally retarded. Kwento nga ng kanyang nanay-nanayan minsan ay ginagaya niya at kuhang-kuha ang kilos ng isang "abnoy".

Masaya si Jenny dahil unt-unti na nitong natutupad ang pangarap niya sa buhay.

Excited na si Jenny dahil siya ang number one sa People’s Choice Award dahil sa galing ng akting nito sa Blue Moon.

Ano ang reaksyon niya sakaling manalo siya sa Awards Night bilang Best Actress?

"Malaking karangalan sa akin ito, pero hindi ako umaasa dahil lahat ng artistang nominado ay magagaling. Pero sakaling manalo ako, ito na ang pinakamagandang regalong matatanggap ko ngayong Pasko," aniya.

Naghahanda na ng kanyang second album si Jenny na ngayon ay seksi at nagsusuot na ng litaw ang cleavage dahil wala nang nagbabawal sa kanya since hiwalay na sila ni Mark.
Blind Item: Aktres, Makati Pa Sa Gabi!
Tikom ang bibig ng sikat na young actor at aktres kapag tinatanong ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay. Ang ganda kasi ng kanilang relasyon at sinabi ng bawat isa na gusto nilang sila na ang magkatuluyan balang araw.

Nagulat ang lahat sa biglaang paghihiwalay ng dalawa.

Ganito ang kwento ng reliable source na malapit sa young actor.

"Magkasama kasi ang dalawa sa isang teleserye. Minsan ay nagteyping ang dalawa sa isang maromantikong lugar na malayo sa Kamaynilaan. Hindi alam ng aktor na may milagro palang ginagawa ang nobya na makati pa raw sa gabi. May relasyon pala ito sa isang tagaroon na galing sa mayamang angkan. Nakita mismo ng aktor isang gabi na nakikipaghalikan ang nobya sa anak ng mayamang angkan na naroon din sa location ng kanilang teleserye. Nawalan ng gana ang aktor kaya binitiwan na ang makating nobya," anang source.

Hindi lang magaling ang aktor sa komedi kundi gayundin sa drama. Talented ang young actor na nalilinya ngayon sa character role. Ang Ingleserang aktres naman ay paminsan-minsan na lang lumabas sa teleserye pero visible pa rin sa showbiz.

ANG INGLESERANG

AWARDS NIGHT

BEST ACTRESS

BLIND ITEM

BLUE MOON

CHOICE AWARD

JENNYLYN MERCADO

MAKATI PA SA GABI

METRO MANILA FILM FESTIVAL AWARDS NIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with