Pamasko ng Baywalk Bodies
December 25, 2005 | 12:00am
Actually, di na Pamasko ang gagawing concert ng Baywalk Bodies sa ika-28 ng December sa Metro Concert Bar. Pwede na itong maging New Year offering ng seksing grupo na di patatalbog sa pagkanta, sayaw at rampahan sa kanilang concert na tinatawag nilang Pamaskong Handog ng Baywalk Bodies.
Sinasabing di patatalbog sa isat isa ang mga myembro na sina Jeanette Joaquin, Palmolive Palma, Pantene Palomino, Ivory Ibañez, Rejoice Rivera, Silka Sevilla, Dove de Vera, Clarise Mercado, Irish Ibara, Camay Coju. Kung kailangang maghubad sila ay gagawin nila, matalbugan lamang ang mga kasamahan nila.
Samantala, nakatakdang sampahan ng demanda ng manager ng grupo na si Lito de Guzman ang isang myembro ng BB na si Mikaela Monteverde dahil direkta itong nakipag-usap sa ABS CBN para sa seryeng Panday Book 2. May demanda rin si De Guzman laban sa isang spa center na binabale wala ang reklamo niyang pagkawala ng kanyang cellphone at cash na P10,500 habang nagpapamasahe siya sa nasabing lugar.
Ang Pamaskong handog ng Baywalk Bodies ay suportado ng Waka Japanese Restaurant, Dr. Raul Guanzon, Harvard Jeans, Sogo Hotel, Edward dela Cuesta Photography, Hataw Police Files, 90.7 Love Radio, 91.5 Energy FM, 101,Yes. Walker Inter-fashion, Rose White and Wings Detergent.
Sayang at obvious na di na magkakabalikan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Ang ganda pa naman ng mga roles nila sa Blue Moon ng Regal Entertainment na palabas sa January 1 bilang bahagi ng MMFF. But in fairness, di nakita ang kanilang mga differences and animosity sa pelikula. Which goes to prove na magaling na silang mga artista.
Ginagampanan ni Mark ang papel ni Manuel, isang probinsyanong kailangang mamili sa dalawang babaeng parehong Corazon ang pangalan. Si Jennylyn ang mahiyaing si Corazon, si Pauleen Luna naman ang agresibong Corazon.
Mula 1940s ang pelikula hanggang sa kasalukuyan kung saan ang matandang Manuel na ginagampanan ni Eddie Garcia na sa huling sandali ng kanyang buhay ay kailangang matagpuan si Corazon at makasayaw ito.
Tampok din sina Christopher de Leon, Dennis Trillo, gumaganap ng anak niyat apo na tumulong kay Eddie sa kanyang paghahanap kay Corazon.
Sino kina Pauleen at Jeenylyn ang tunay na Corazon? Direksyon ni Joel Lamangan.
Sinasabing di patatalbog sa isat isa ang mga myembro na sina Jeanette Joaquin, Palmolive Palma, Pantene Palomino, Ivory Ibañez, Rejoice Rivera, Silka Sevilla, Dove de Vera, Clarise Mercado, Irish Ibara, Camay Coju. Kung kailangang maghubad sila ay gagawin nila, matalbugan lamang ang mga kasamahan nila.
Samantala, nakatakdang sampahan ng demanda ng manager ng grupo na si Lito de Guzman ang isang myembro ng BB na si Mikaela Monteverde dahil direkta itong nakipag-usap sa ABS CBN para sa seryeng Panday Book 2. May demanda rin si De Guzman laban sa isang spa center na binabale wala ang reklamo niyang pagkawala ng kanyang cellphone at cash na P10,500 habang nagpapamasahe siya sa nasabing lugar.
Ang Pamaskong handog ng Baywalk Bodies ay suportado ng Waka Japanese Restaurant, Dr. Raul Guanzon, Harvard Jeans, Sogo Hotel, Edward dela Cuesta Photography, Hataw Police Files, 90.7 Love Radio, 91.5 Energy FM, 101,Yes. Walker Inter-fashion, Rose White and Wings Detergent.
Ginagampanan ni Mark ang papel ni Manuel, isang probinsyanong kailangang mamili sa dalawang babaeng parehong Corazon ang pangalan. Si Jennylyn ang mahiyaing si Corazon, si Pauleen Luna naman ang agresibong Corazon.
Mula 1940s ang pelikula hanggang sa kasalukuyan kung saan ang matandang Manuel na ginagampanan ni Eddie Garcia na sa huling sandali ng kanyang buhay ay kailangang matagpuan si Corazon at makasayaw ito.
Tampok din sina Christopher de Leon, Dennis Trillo, gumaganap ng anak niyat apo na tumulong kay Eddie sa kanyang paghahanap kay Corazon.
Sino kina Pauleen at Jeenylyn ang tunay na Corazon? Direksyon ni Joel Lamangan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















