Jodi, pinahulaan

Pinagkaabalahan ng fans at netizens kung sino ang aktres na gaganap sa papel ng nanay ni Yesha (Xia Vigor) sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng na 2nd Miracle in Cell No. 7.
Dalawa lang kasi ang clue na ibinigay ng admin ng socmed pages ng Viva Films at Studio Viva sa silhouette ng aktres: Ang mga salitang “JOining” at “award-winning actress.”
“An award-winning actress is JOining the cell no. 7 squad!”
Si Jodi Sta. Maria ang namumuro sa hula ng fans at netizens, pumapangalawa sina Bela Padilla at Roxanne Guinoo. Meron din namang humula kay Kristine Hermosa.
Anyway, ang 2nd Miracle in Cell No. 7 ay muling pagbibidahan ni Aga Muhlach bilang mentally-challenged na si Joselito.
Ito ay sinasabing prequel/sequel ng 2019 MMFF topgrosser, na adaptation ng sikat na K-drama comedy na tinampukan nina Ryu Seung-ryong at Kal So-won. At kabilang nga ito sa unang apat na MMFF 2026 entries na inanunsyo kamakailan ng filmfest execom.
Ngayong araw ang announcement kung si Jodi Sta. Maria ba talaga ito.
- Latest



















