^

PSN Showbiz

Aktres, pinagpalit ang asawa sa t-bird

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Akala ng iba, nang maghiwalay ang sikat na aktres na ito at ng kanyang asawang sikat ding aktor ay sumama na ito sa ibang lalaki. Pero hindi pala kundi sa isang t-bird na pulitiko.

Nagkakasundo naman ang tibo at ang magandang aktres kung saan kahit walang pelikula o TV show ay namumuhay sa luho ang aktres.

Kayang ibigay ng t-bird ang kaginhawaan sa kanyang mahal na di kayang ibigay ng asawang aktor sa aktres.
$2.2m iuuwi ni Manny Pacquiao
Sa Nobyembre 12 ay pupunta ng Los Angeles at Mexico si Manny Pacquiao para mag-promote ng kanyang laban sa kanilang re-match ni Morales na tumalo sa kanya.

Magaganap ang laban nila sa January 21 sa Las Vegas kung saan ang iuuwing pera ni Manny win or lose ayon sa ex-manager at kaibigang si Relly de Leon ay $2.2 milyon. Bukod pa rito ay may kita siyang 40% sa pay per view (TV rights coverage ng laban) at 40% din sa gate receipt. Siya rin ang co-promoter ng malaking laban nila ni Morales.

Saan naman napupunta ang kanyang kinikita sa boksing?

Mayroon palang Manny Pacquiao Foundation na naglalayon na makatulong sa mga atleta ng bansa. Mayroon din siyang malaking puso para sa kawanggawa.

Nilinaw din ni Relly na libangan lang nito ang sabong kung saan sinabing he’s more on breeder than gambler.

Tuluy-tuloy ang taping nito sa kanyang show na Sports Idol sa Channel 13 kung saan co-hosts sina Champagne Morales at Quinito Henson.

vuukle comment

CHAMPAGNE MORALES

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANNY PACQUIAO FOUNDATION

MAYROON

QUINITO HENSON

RELLY

SA NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with