^

PSN Showbiz

Maagang nag-mother role

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tinanong si Sunshine Dizon sa presscon ng Agos kung hindi ba siya apektado at nata-type cast siya sa pagganap sa mother role.

Ginagampanan nito ang papel ni Pirena sa Encantadia kung saan anak niya si Lira (Yasmien Kurdi) at ngayon naman sa Agos ay stepmom siya ni Pauleen Luna.

"I’m emotionally mature at handa na sa mga ganitong klase ng papel na gagampanan. Blessing pa nga ito sa akin dahil hindi ako nawawalan ng proyekto," anang aktres.

Inamin pa rin ni Sunshine na namimili siya ng mga soap opera.

Sa kabilang banda, tanggap na niya na hindi na sila pwedeng magkabalikan pa ni Polo Ravales. Natutuwa siya sa magandang takbo ng career nito at para sa kanya, mas magandang manatili na lang ang pagiging mabuti nilang magkaibigan.
May Ibubuga Ang The Members
Nainip ang mga press people sa launching ng album ng The Members under Dyna Records kahit maaga pa ay narun na ang mga miyembro ng pop at rock band na sina Rey Nuñez, Jan-Michael Gonzales, Rod Mijares at Voltaire Gumban.

Pero nang magsimula silang tumugtog ng "Hawaii Five O" ay nag-enjoy sa pakikinig ang mga writers. Magaling silang tumugtog at mahilig sa mga musika ng ’50s at ‘60’s.

Naglalaman ng 14 tracks ang self-debut album ng The Members kung saan pinakagusto namin ang "Eddie" Hindi kami magtataka kung sumikat ang bandang ito dahil talagang magaling sila.
James, In Love Kay Danica
Naghiwalay sina James Blanco at Dennis Trillo bilang mga alaga ni Popoy Caratativo nang walang samaan ng loob. Pinabulaanan ni James ang balitang kaya siya umalis sa poder ng dating manager ay dahil nai-insecure ito kay Dennis dahil humahataw ito sa rami ng project.

Ayon kay James, never siyang na-insecure kay Dennis. Umalis man ang aktor kay Popoy ay may maganda naman itong sinasabi sa dating manager.

Nali-link ngayon si James kay Danica Sotto at very vocal sa pagsasabing mabait at down-to-earth ang aktres.
Blind Item: May Respeto Pa Rin Sa Simbahan
Minsan ay nakita ang sikat na sexy actor sa isang simbahan. Matapos magdasal ay naglakad-lakad muna ito sa parking lot.

May ilang "bakal" boys na narun sa parking lot at sinisipat-sipat sila ng aktor pero natakot na manghala dahil nasa harap ng simbahan. Maya-maya, nakitang sumakay itong mag-isa sa kanyang van.

vuukle comment

BLIND ITEM

DANICA SOTTO

DENNIS TRILLO

DYNA RECORDS

HAWAII FIVE O

IN LOVE KAY DANICA

JAMES BLANCO

JAN-MICHAEL GONZALES

MAY IBUBUGA ANG THE MEMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with