^

PSN Showbiz

John, gamit na gamit ng starlet

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Pinatunayan ni Sharon Cuneta na isa siyang tunay na kaibigan. Dumating si Sharon sa premiere night ng Dubai. Nangako si Sharon sa kaibigang Aga Muhlach na manonood siya. Dumating si Sharon kasama si Sen. Francis Pangilinan.

Sa Pasto (sa El Pueblo) pa lang, magkasama na sina Sharon at Aga. Doon kasi nag-assemble ang cast ng movie. Kumpleto ang cast at direktor ng movie. Tsikahan-to-death sina Aga at Sharon. Habang pinapalabas ang movie, naluha si Sharon.

Star-studded talaga ang Dubai preem. Um-attend din sina Raymart Santiago, Bayani Agbayani, Bea Alonzo, Donita Rose, Charlene Gonzales, Nikki Valdez, Jenny Miller, Inno Sotto, Girlie Rodis, Maribeth Bichara, Socorro and Virgie Ramos at marami pang iba.

Gustung-gusto ko ang eksena sa movie nina Aga at John Lloyd Cruz. Kukurutin talaga ang puso mo. At ang eksena ni Claudine Barretto sa Luneta. Isa lang ang sasabihin ko, kapag pinanood ninyo ang Dubai, siguraduhing magdala ng panyo o tissue. Tiyak na iiyak kayo pero may ngiti sa inyong mga labi.

At habang tinatapos kong sulatin ang column na ito, nakatanggap na ako ng tawag mula sa Star Cinema na pinipilahan ang movie. Isang blockbuster movie ng Star Cinema.
* * *
Gamit na gamit si John Estrada ng isang bold star. Kaliwa’t kanan ang publicity na naglalabasan tungkol kay John at Riza Ruiz. Matindi ang claim ng nasabing bold star na nagkaroon sila ng one-night stand ni John.

Ang ‘di maganda, malaswa at marumi ang bibig ng nasabing young star. Sa isang tabloid na nakita ko, inilarawan ni Riza ang naging sex acts nila ni John. Hindi ko kinaya ang mga binitiwang salita ng bold star sa nasabing interbyu.

Nagpainterbyu na rin si John at itinanggi ang nasabing isyu. John, I heard is filing charges against Riza. Sa totoo lang, kasi nakakasira sa reputation ni John ang mga sinabi ni Riza. Lalo pa ngayon na lumalaki na ang kanyang mga anak.

Kung kailan naging good boy si John, at saka naman naglalabasan ang malisyosong balita sa kanya. Hala, mukhang kailangang patunayan ni Riza ang kanyang mga sinabi once na nai-file na ni John ang nasabing asunto.

Mukhang apektado si John. Hindi ito mahilig magpainterbyu. Pero sa latest na isyu sa kanya, talagang nagsalita siya.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BAYANI AGBAYANI

BEA ALONZO

CHARLENE GONZALES

CLAUDINE BARRETTO

DONITA ROSE

DUBAI

JOHN

RIZA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with