^

PSN Showbiz

Vocalist ng Cueshe, ayaw kay Pauleen, si Kris ang gusto

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nasaktan si Becky Aguila, manager nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado sa mga nasulat (karamihan blind items) na winawaldas niya ang pera ng mga ito. Hindi rin daw tamang accounting ng kinikita ng dalawa ang kanyang ipinapakita.

Sabi ni Becky, intrigahin na siya sa ibang bagay, ‘wag lang money matters dahil hindi na totoo’y, nasisira pa ang kanyang pagkatao’t trabaho. Ipinapa-trace ni Becky ang pinagmulan ng tsismis at kapag ipinayo ng kanyang lawyer na siya’y magdemanda’y, kanyang gagawin.

May hinala na si Becky kung sino ang sumisira ng kanyang pangalan pero ayaw niya munang pangalanan kung sino ito hanggang wala siyang enough proof.

Handang ipakita ni Becky ang accounting ng pera nina Angel at Jennylyn na pumapasok at nagagastos. Naka-itemized lahat pati kaliit-liitang halaga. Nagtataka lang si Becky kung bakit hindi nakikita ng tao ang naipupundar ng dalawa.

Si Angel, nakabili ng condo unit at nag-iipon nang pambili ng bahay. Si Jennylyn nama’y may hinuhulugang house and lot at dalawang sasakyan. Suportado rin nito ang biological father at adoptive parents.

Nag-usap na sina Becky at Jennylyn at hindi naapektuhan ang relasyon nila sa controversy. Sabagay, sinabi naman ng singer-actress na hindi siya bibitaw sa kanyang manager dahil malaki ang tiwala niya rito at tumatanaw siya ng utang na loob. Siguradong ganito rin ang katuwiran ni Angel.
* * *
Ikinatuwa ng mga nagseselos na fans ng Cueshe, lalo na ang fans ng vocalist na si Jay Justiniani, ang pagdi-deny nitong nililigawan niya si Pauleen Luna. Friends lang daw niya ang dalagita at masyado itong bata para sa kanya.

Nagpahayag pa si Jay na Pauleen deserves somebody better than him. Nang usisain, hindi na nag-elaborate. Basta, paulit-ulit na sinabing "She’s too young for me. I’m 25 and she’s 17."

May mga nag-react at sinabing kaya hindi matipuhan ni Jay si Pauleen dahil si Kris Aquino ang biggest crush nito. Bale-wala raw sa binata ang seven years age gap nila ng TV host at nag-"I Love You" ito kay Kris nang mag-guest sa Pilipinas Game Ka Na Ba? Huli na nga lang si Jay dahil kung totoo ang balita’y, kasal na si Kris kay James Yap. Binibiro nga raw itong mag-iingat kay James dahil mas malaki ito sa kanya.
* * *
Sa lakas nang sigawan ng fans nang lumabas si Mark Bautista sa launching ng kanyang CD-Lite album, gusto nila ang bago niyang image. Sexy rocker ang dating niya with spike hair, bukas ang harapan ng polo at nasisilip ang lumaking muscles.

Kahit sabi’y para lang sa "Dream On" album ang bago niyang image, nakakapanibago pa rin. But in fairness, bagay sa kanya’t naalis ang stiffness at promdi look niya.

Iniwan na rin ni Mark ang balladeer image niya at nag-shift siya sa pagiging pop artist. Ikinumpara pa nga siya kay Ricky Martin na tinawanan nito’t, the same Mark pa rin daw siya pero, inaming nag-i-enjoy at comfortable siya with his new image.

Ang covers ng LeAnn Rimes song na "I Need You" ang carrier single ng album. Ang original compositions na "You Win the Game" at "If By Now" were recorded at ZigZag Recording Studios in Los Angeles. Back-up singers naman niya sina Sarah Geronimo, Raymond Manalo at Rachelle Ann Go sa "When Will I See You Again." Mas gusto namin ang bagong album ni Mark kesa debut album niya. Mula pa rin ito sa Viva Records.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BECKY

BECKY AGUILA

DREAM ON

I LOVE YOU

I NEED YOU

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with