^

PSN Showbiz

Talent manager, nagseselos sa girlfriend ng alaga

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May ilang naghihinala sa dalawang celebrities, ang isa’y sikat na talent manager at ang isa naman ay singer na kilala na rin.

Paano ay nagseselos ang manager sa kanyang alaga kapag nakikitang may kasama itong iba. Nali-link nga siya sa isa ring sikat na female singer kung saan gustung-gusto ng mga tagahanga ang kanilang pagiging magkapareha sa concert o shows. Pero gusto ng manager na ihanap siya ng ibang kapareha dahil nai-inlove na rin ang female singer.

May nakapagbulong din na noong nagpunta ang dalawa sa abroad for a show ay hindi daw sila lumalabas ng kwarto at laging nasa hotel. Maraming naniniwala na hindi lang manager-talent ang relasyon ng dalawa kundi higit pa run.

Bukod sa pagkanta, pinasok na rin ng singer na ito ang pag-arte.
Pioneer, Lugi Sa The Great Raid
Flop sa America ayon sa balita ang The Great Raid na tinampukan ni Cesar Montano. Kahit maganda-ganda ang kita rito sa bansa ng movie ay parang di kayang sambutin sa takilya dahil ang laki ng ibinayad ng Pioneer Films sa pagri-release ng international film sa ‘Pinas.
Angelica, Nilayasan Ang Ina!!
Tinawagan ako ni Momy Beth Jones at sinabing may bagong intriga sa kanilang mag-ina. Naghiwalay na raw sila dahil gusto ni Angelica Jones na mamuhay ng solo at ayaw nang pakikialaman ng ina.

"Hindi totoo ang balita dahil magkasama pa rin kami sa iisang bahay. Masunuring anak si Angie at gusto nga niyang lagi kaming magkasama kaya paanong hihiwalay siya sa akin? Mangyayari lang siguro ito kapag nag-asawa na siya. Sa ngayon, happy kami kahit pinupukol ng intriga. Matibay na ang aming loob sa intriga," aniya.

Hindi lang epektibong host ng Chowtime ang flawless beauty kundi gayundin sa pagkanta kaya naman dinumog ang show nito sa Cebu noong Sabado. Ratsada rin ang aktres sa mga commercial shoot kung saan inihahanda na ang malaking billboard para sa bagong brand ng mineral water na iniendorso niya.
Nag-Aagawan Sa Titulo
>Pinag-aagawan ngayon ang titulong "Crystal Voice of Asia" nina Sheryn Regis at Marri Nallos. Nalilito tuloy ang mga tao. Nang mag-mall tour si Marri ay ito ang nakalagay sa kanyang streamer at iba pang promo materials. Sa malaking poster naman sa may Robinsons sa Makati ay ito rin ang nakalagay kay Sheryn.

Sino ba ang dapat gumamit nito?

Ayon kay Ms. Vilma Selga na dating managing director ng Star Records, gamit na ni Marri ang titulo noong 1999 pa pero ayon sa mga taga-Star Records ay dati itong ginamit ni Carol Banawa at naisalin lang ang titulo kay Sheryn dahil nasa Amerika na ang magaling na singer. Pero pagkakaalam ko, ang bansag kay Carol ay "The Singer With Angelic Voice" at hindi crystal voice," ani Vilma.

Tahimik na lang si Marri at baka sabihing siya pa ang nang-agaw ng titulo. Sa kabilang banda, abala ito sa promosyon ng "Destiny" album.
Stable Ang Relasyon
Siyam na buwan na ang itinatakbo ng relasyon nina Aiko Melendez at Jonard Yanzon, dating miyembro ng 17:28 band at kasama sa musical play na Footloose. Ka-alternate nito si JayR bilang si Ben McCormack.

Kahit nagkakaroon ang dalawa ng tampuhan paminsan-minsan ay madali naman nila itong nalulusutan. Every month kasi nila isini-celebrate ang kanilang relasyon pero noong nakaraang August 7 ay naging abala si Jonard sa rehearsal ng musical play kaya hindi siya nakapaghanda. Romantic person si Aiko kaya nagtampo ito sa nobyo pero nagkasundo rin.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ANGELICA JONES

CAROL BANAWA

CENTER

CESAR MONTANO

CRYSTAL VOICE OF ASIA

MARRI

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with