^

PSN Showbiz

Reggie, hirap humalik

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nanalo sa BodyShots si Reggie Curly noong 1996. Bagaman at pinupuri ang acting niya sa Mga Pusang Gala, inamin nito na hindi siya nag-undergo ng acting workshop. Inilagay lang niya ang sarili sa karakter na isang playboy na walang commitment at nagkaroon ng relasyon sa isang babaeng mas may edad sa kanya. "Nailang ako sa kissing scenes namin ni Irma (Adlawan) at hesitant ako kaya ikinulong kami sa kuwarto ng aming direktor para pag-aralan ang eksena," aniya.

Career move para sa kanya ang pagiging singer at recording artist ng BMG Records.

"Frustrated singer kasi ako pero, enjoy ako ngayon sa larangan ng musika," sey pa ng guwapong aktor.
Luis-Desiree, Matatag Pa Rin!
Inamin ni Luis Alandy na one year na ang itinatakbo ng kanilang relasyon ni Desiree del Valle. One year anniversary nila kahapon July 30. Respeto sa isa’t isa ang susi ng kanilang magandang samahan.

Hindi ba siya naapektuhan na ang kanyang nobya ay nagka-affair sa isang tomboy kung saan nagpakasal pa siya rito?

"Hindi mahalaga sa akin ang nakaraan. Mas mahalaga sa akin ang present at future. Hindi ko na iniisip yung nakaraan niya. We have to move on. Siguro kaya kami nagkakasundo ay dahil hindi ako seloso. Last Holy Week ay mag-isa siyang nagtungo ng Boracay with friends at dito lang ako sa Maynila nagma-Mahal na Araw," ani Luis.
Irma, Reyna Ng Indie Films
Kilalang stage actress si Irma Adlawan na bida sa Mga Pusang Gala opposite Reggie Curley ng Indie Films. Tampok din si Ricky Davao sa makatotohanang pagganap bilang bading na kaibigan ni Irma.

Maraming proyekto ngayon si Irma na paborito ng Indie Films dahil ang galing-galing nitong umarte bukod pa sa game din sa mga maiinit nilang eksena ni Reggie.

Magaling ding direktor si Ellen Ongkeko Marfil na siya ring prodyuser ng pelikula. Dinig namin ay nag-share ang mga artistang kabilang dito pati na ang kani-kanilang manager para lang mabuo ang proyekto at matustusan ang production cost nito.
Bastos Ang Young Actress!
Ikinuwento ng isang malapit na kaibigang writer ang kagaspangan ng ugali ng isang young actress kamakailan nang dumalaw siya sa taping nito.

Nang ipakilala siya kasama ang isa pang writer ay tumango lang ito habang nakikinig ng tugtog sa walkman kung saan sinasabayan pa ng pag-awit. Paano maririnig ang kanilang sinasabi samantalang naka-headphone ito? Ni hindi man lang ito inalis para i-acknowledge sila.

vuukle comment

BASTOS ANG YOUNG ACTRESS

ELLEN ONGKEKO MARFIL

INDIE FILMS

IRMA

IRMA ADLAWAN

LAST HOLY WEEK

LUIS ALANDY

MATATAG PA RIN

MGA PUSANG GALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with