^

PSN Showbiz

Chynna, goodbye na sa pagiging wholesome

- Veronica R. Samio -
Marami ang magugulat kapag nakita si Chynna Ortaleza sa cover ng bagong Pump Magazine na ang editor ay ang nagpasikat ng FHM na si Eric Ramos.

Umalis na si G. Ramos sa FHM at nagtayo ng panibago, ito ngang Pump na direktang makikipag-kumpitensya sa iniwan niyang babasahin. Bukod sa magtatampok ito ng mga seksing babae, mas sports oriented ito. Sa first issue, mayro’n guide sa 68th UAAP Season at isang eksklusibong istorya kay Rudy Distrito na nasa Las Vegas ngayon at nahaharap sa murder charges.

Bakit si Chynna ang nasa cover gayong hindi naman ito kasama sa kategorya ng mga seksing artista natin? Pwes, magugulat talaga kayo dahil ipakikita rito ni Chynna kung gaano at hanggang saan siya pwedeng maging seksi.

Ayon kay G. Ramos ay matagal niyang "niligawan" si Chynna para mapapayag itong maging cover niya. Pati mga magulang nito ay pinakiusapan din niya. At di naman siya nabigo,

Malaki rin ang naging papel ni Albert Martinez sa desisyon ni Chynna na magbago ng image. "He told me na kailangan na akong magbago ng image. Kailangan ko nang iwan ang aking teeny bopper image and I believe him. Wala naman akong pagsisisi na naramdaman, lalo na nang makita ko ang resulta ng aming pictorial. Hindi ako mapapahiya sa GMA 7 na hiningan ko ng permiso at sinabihan ko tungkol sa ginawa ko, at maging ang mga produktong ini-endorso ko," ani Chynna.

Magugulat talaga ang mga makakakita ng pictures ni Chynna at mari-realize na kahit pala ang hindi ma-boobs na tulad ni Chynna ay pwedeng- pwede maging seksi. But then, ang ganda ng kanyang behind. Lahat ito ay sinabi niyang natural at walang na-enhanced.
* * *
Isa si Tintin Bautista sa bumubuo ng grupong The Bodies na ngayon ay ilulunsad sa pelikulang Wag Dyan, Wag Dyan May Kiliti Ako Dyan ng WaterPlus Production.

Marami ang nagsasabi na hindi papalo ang pelikula sa takilya pero, positive ang pananaw ni Tintin dahil "Maganda ang movie namin at nabigyan kaming lahat ng pare-parehong pansin."

Kailan lamang naitatag ang kanilang grupo pero, dahil sa mga ingay na nalikha ng mga intrigang ginawa laban sa kanila kung kaya "Hindi ako makapaniwala na sa maikling panahon ay ang dami na ng nakakikilala sa akin. Pag nasa mall ako ay may bumabati na sa akin at nagpapakuha ng picture at nagpapa-pirma ng autograph," aniya.
* * *
Paganda nang paganda ang episode ng Encantadia. Ang maganda sa programa ay hindi predictable ang mga nagiging pangyayari, kaya di pwedeng di abangan ng mga manonood. May officemate nga ako na talagang literally na humihinto ng pagtatrabaho kapag ini-ere na ito at ang Darna.

Kahapon napanood nating ipinagdiriwang na ng mga kapanalig ni Pirena (Sunshine Dizon) ang pagiging reyna nito sa Lireo. Di na nagawang iligtas ni Amihan (Iza Calzado) maging ang kanyang sarili. Pero, kapalit ng tagumpay ni Pirena ang di pagkilala sa kanya ni Lira (Yasmien Kurdi) bilang tunay na ina nito. Di rin matatanggap ni Lira na di siya anak ni Amihan kundi si Mila.

Pahihirapan ni Pirena si Amihan sa harap ni Lira. Pipilitin niya itong lumuhod sa harap niya. Tatanggi ito at bilang dagdag na pasakit dito at kay Lira, uutusan niya ang huli na hagupitin ang kinikilalang ina ng 100 ulit. Kundi gagawin ito ni Agane (Leila Kuzma) ng limang libong beses.

Sasama na si Mila (Jennylyn Mercado) kay Danaya (Diana Zuburi) para makita ang tunay niyang ina. Excited na siya lalo’t nararamdaman niya na may nangyayari rito.

Ipagtatapat na ni Asval (Bobby Andrews) kay Ybarro (Dingdong Dantes) ang tunay na pagkatao nito.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

AMIHAN

BOBBY ANDREWS

CHYNNA

CHYNNA ORTALEZA

DIANA ZUBURI

PIRENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with