^

PSN Showbiz

Hayagan na ang relasyon nina Judy Ann at Ryan!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naging agaw-eksena sa 28th Gawad URIAN ang sobrang sweetness nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo habang papunta sa kanilang upuan galing ng backstage.

Nang i-announce ang pangalan ni Juday bilang Best Actress para sa Sabel ay buong higpit silang nagyakap at parang may ibinulong pa ang aktor kay Juday.
Nadine, Handa Na Sa Debut
Pinaghahandaan na ang debut ni Nadine Samonte sa Marso 2, 2006 na magaganap sa Fernwood Garden. Red ang magiging motif dahil paborito itong kulay ni Nadine.

Nabigyan ng malaking discount si Nadine dahil siya ang gagawing model ng naturang venue. Gagawing bongga ang pagdiriwang kahit wala itong cotillion.

Sa kabilang banda, napakaraming projects ni Nadine-Now and Forever 2, Multong Bakla, episode ng Happily Ever After, Ako Legal Wife at Hari ng Sablay.
James, Kulang Ng Intriga
Biniro namin si Popoy na manager ni James Blanco kung bakit kulang sa gimik ang kanyang alaga. Wholesome ang image nito at never na naintriga sa pag-ibig. Hindi rin namin alam kung sino ang nililigawan o ang nobya nito. Naniniwala naman ang aktor na kusang darating ang pag-ibig at happy naman siya sa takbo ng career.

Hindi naman ito nababakante sa telebisyon kung saan after Mulawin ay kasama ito sa Ganti (Now and Forever 2) bilang kababata ni Nadine at manliligaw nito.

Ang maganda lang kay James ay tapos na ito ng pag-aaral kaya may fallback na sakaling manamlay ang career.
Dinedma Ang Sikat Na Aktor
Nag-taping sa Boracay ang mga artistang kasama sa isang sitcom. Bida ang gwapong action star na kahit magpalakad-lakad ay dinidedma lang ng mga tao.

Gustuhin man siyang lapitan para magpapirma ng autograph ng ilang mga naninirahan doon ay naiilang sila dahil baka hindi sila pansinin nito. Mabait naman ang aktor kaya lang, parang hindi siya approachable ayon pa sa aking source.

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

BEST ACTRESS

DINEDMA ANG SIKAT NA AKTOR

FERNWOOD GARDEN

HANDA NA SA DEBUT

HAPPILY EVER AFTER

JAMES BLANCO

NADINE

NOW AND FOREVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with