^

PSN Showbiz

Nagtapos muna ng kolehiyo bago nag-banda

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Di ba ang sarap kumain ng orange at lemons lalo na pag ma-juicy? Alam n’yo ba na ganito rin ang feeling kapag napakinggan n’yo yung music ng bandang Orange & Lemons? Tunog foreign ang music nila pero, pusong Pinoy ang nilalaman ng mga kanta.

Bakit hindi magiging tunog foreign ang music nila eh number one avid fans sila ng Beatles? Pero infairness, mai-enjoy mo ang music nila.

Katulad ng prutas na orange and lemon, habang tumatagal lalong masarap namnamin ang katas nito. Ganito rin ang effect ng music ng grupo na habang tumatagal ay nagugustuhan mo ang kanilang kanta na kahit paulit-ulit mo pang pakinggan. At kahit may pagka-rock ang ibang kanta ay hindi masakit sa tenga at may maganda ring mensahe na gustong iparating.

Akala ko nga nung una ay magiging boring ang kanilang show dahil sa may conservative ang get-up nila pero, maling-mali ako. Sa katunayan, buhay na buhay ang crowd dahil sa mahusay nilang performance.

Ang pangalang Orange and Lemons ay binubuo ng mga talented na musicians na sina Clem Castro (electric guitar/vocals), Mcoy Fundales (acoustic guitars/vocals), JM Del Mundo (bass) at Ace Del Mundo (drums).

Ang title ng kanilang album, "Strike Whilst The Iron Is Hot" ay batay na rin sa tagumpay na tinatamasa ng grupo. Gusto nilang samantalahin ang lahat ng  pagkakataon ngayong  kinikilala na ang kanilang musika.

Ang apat na myembro ay mga tubong Bulacan na galing sa iba’t ibang banda, bago nabuo ang kanilang grupo. Pare-pareho rin muna nilang sinubukan na magkaroon ng corporate job, pero talagang music ang calling nila.

Bukod sa maganda nilang music, ipinagmamalaki rin ng apat na nakatapos sila ng pag-aaral, bago tuluyan silang maging full time musicians. 

Si Clem ang songwriter ng grupo. Nagtapos siya ng HRM sa Philippine Women’s. Si Mcoy nagsusulat din ng kanta na graduate naman ng Tourism sa UP. Si Ace naman ay tapos ng Industrial Technology sa Bulacan State University at si JM ay galing ng AMA College sa kursong Computer Technology.

Ang Orange & Lemons: "Strike Whilst The Iron Is Hot" ay release ng Universal Records.

vuukle comment

ACE DEL MUNDO

ANG ORANGE

BULACAN STATE UNIVERSITY

CLEM CASTRO

COMPUTER TECHNOLOGY

DEL MUNDO

INDUSTRIAL TECHNOLOGY

MCOY FUNDALES

STRIKE WHILST THE IRON IS HOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with