Stampede sa ASAP!
May 4, 2005 | 12:00am
Naging matagumpay ang ginawang "Daghang Salamat Cebu" ng ABS-CBN noong Abril 30 hanggang Mayo 1 sa Cebu.
Dinaluhan ito ng mga sikat na artista ng Dos at ginawang simultaneous ang mall tour ng kani-kanilang mga programa na sinimulan ng live nung Sabado ng umaga.
Nagkaroon ng motorcade pagdating ng hapon kung saan pinagkaguluhan ang mga kabataang artista ng ABS-CBN Star Magic. Maraming nasaktan dahil sa pagsisiksikan ng mga tao makita lang ang mga paboritong artista, lalung-lalo na si Sandara Park. Kahit si Ms. Charo Santos ay pinagkaguluhan din at may nagpapirma ng autograph.
Punumpuno ng mga tao ang Ayala Activity Center nang mag-show doon ang ASAP. Nang tawagin si Jericho Rosales ay nagkagulo ang mga tao at nagkaroon ng stampede at maraming nasaktang mga manonood lalo na ang mga bata. Ganoon kasikat ang mga artista ng ASAP.
Nakalimutan nina Echo at Carlos Agassi ang minus one tape kaya nag-acapella na lang sila.
Sa Gauisano Country Mall naman ay pinagkaguluhan din ang mga artista ng Kampanerang Kuba sa pangunguna nina Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Patrick Garcia at Marco Alcaraz.
Kinagabihan ay nagkaroon ng presscon para sa mga local na press dun.
Sa unang pagkakataon ay gagamitan si Anne Curtis ng prosthetic make-up bilang Kampanerang Kuba. Excited na ito sa proyekto at masaya dahil komportable sa mga leading men.
Pinalakpakan ito nang umamin sa pagkakamali tungkol sa torrid kissing scene video nila ng dating bf na si Richard Gutierrez.
"I learned from my mistakes. Hindi ko naman idi-deny ang nangyari dahil in love kami that time," sabi niya.
Niligawan din pala siya ni Patrick Garcia kaya lang ayon kay Anne, mas matiyaga si Oyo Boy Sotto na naging boyfriend din niya.
Inamin ni John Estrada na maswerte siya kay Vanessa del Bianco dahil lalong gumanda ang kanyang career. Nakatambal nito ang malalaking artista gaya nina Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Kris Aquino at ngayon naman si Maricel Soriano sa Vietnam Rose.
Sinabi naman ni Marya na mabuting tao si John kaya good karma.
Na-corner ng mga press people ang sikat na TV host at tinanong kung bakit malusog ang dibdib nito ngayon. Samantalang dati naman ay wala itong boobs na ipinagmamalaki.
Inamin ng actress na nagpaayos siya ng boobs kaya ngayon ay puro revealing outfit ang isinusuot at laging litaw ang cleavage.
May regular TV show ang magandang TV-host na galing sa kabilang channel.
Dinaluhan ito ng mga sikat na artista ng Dos at ginawang simultaneous ang mall tour ng kani-kanilang mga programa na sinimulan ng live nung Sabado ng umaga.
Nagkaroon ng motorcade pagdating ng hapon kung saan pinagkaguluhan ang mga kabataang artista ng ABS-CBN Star Magic. Maraming nasaktan dahil sa pagsisiksikan ng mga tao makita lang ang mga paboritong artista, lalung-lalo na si Sandara Park. Kahit si Ms. Charo Santos ay pinagkaguluhan din at may nagpapirma ng autograph.
Punumpuno ng mga tao ang Ayala Activity Center nang mag-show doon ang ASAP. Nang tawagin si Jericho Rosales ay nagkagulo ang mga tao at nagkaroon ng stampede at maraming nasaktang mga manonood lalo na ang mga bata. Ganoon kasikat ang mga artista ng ASAP.
Nakalimutan nina Echo at Carlos Agassi ang minus one tape kaya nag-acapella na lang sila.
Sa Gauisano Country Mall naman ay pinagkaguluhan din ang mga artista ng Kampanerang Kuba sa pangunguna nina Anne Curtis, Jodi Sta. Maria, Patrick Garcia at Marco Alcaraz.
Kinagabihan ay nagkaroon ng presscon para sa mga local na press dun.
Sa unang pagkakataon ay gagamitan si Anne Curtis ng prosthetic make-up bilang Kampanerang Kuba. Excited na ito sa proyekto at masaya dahil komportable sa mga leading men.
Pinalakpakan ito nang umamin sa pagkakamali tungkol sa torrid kissing scene video nila ng dating bf na si Richard Gutierrez.
"I learned from my mistakes. Hindi ko naman idi-deny ang nangyari dahil in love kami that time," sabi niya.
Niligawan din pala siya ni Patrick Garcia kaya lang ayon kay Anne, mas matiyaga si Oyo Boy Sotto na naging boyfriend din niya.
Sinabi naman ni Marya na mabuting tao si John kaya good karma.
Inamin ng actress na nagpaayos siya ng boobs kaya ngayon ay puro revealing outfit ang isinusuot at laging litaw ang cleavage.
May regular TV show ang magandang TV-host na galing sa kabilang channel.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended




















