^

PSN Showbiz

Angelica, pinipilahan ng manliligaw!

-
Mula nang "malibre" si Angelica Panganiban kay Carlo Aquino, hindi nakapagtatakang dumami ang manliligaw ng itinuturing na pinakamagandang young actress ngayon. At sino naman ang hindi magkakagusto sa dalagang ito na bukod sa maganda’y very sensible pa.

Ang ilan sa nababanggit na masusugid na talisuyo ni Angel ay sina Jake Cuenca at Jason Abalos. Pero iisa ang isinasagot ni Angel tungkol sa mga binata. "Medyo corny pong pakinggan, pero friends ko lang talaga silang lahat." After Carlo kaya ay "takot" ng makipagrelasyon ng dalaga?

"Hindi pa po siguro time," medyo nahihiyang sabi ni Angel nang makorner namin ito sa pasilyo ng ABS-CBN. "At saka, bata pa naman ho ako. At sa totoo lang, hindi ko pa talaga nakikita ang type kong maging boyfriend." Totoo bang parang Bernard Palanca-type - disenteng mukhang salbahe ang type mo, Angel? "Hindi naman po parang... Jericho Rosales!" at nagtatawa ang dalaga dahil para raw nagpo-promote pa siya ng pelikula nila ni Echo, ang Santa Santita.

Flattered umano siya sa pagkakaroon ng maraming kaibigang lalaki na halos lahat ay gusto yatang manligaw. "Pero, naka-focus talaga ako sa career ko. At ipinapaubaya ko sa Star Magic ang pamamahala sa movie career ko."

Hindi pa sinasabi kay Angelica kung ano ang susunod niyang gagawin after Santa Santita pero alam niyang may malalaking plano raw sa kanyang movie career. Excited si Angel sa bago niyang teleserye, ang Vietnam Rose dahil medyo naiiba raw ang ginagampanan niyang papel dito "at saka ko na po sasabihin." Nae-excite din siya sa balitang magsu-syuting sila sa Vietnam mismo kaya itinuturing niyang malaking dagdag na kaalaman na naman sa kanya ang trabahong ito.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Carlo Aquino, sabi ni Angel, sa gitna ng balitang marami siyang manliligaw. Hindi ba nakikipagbalikan sa kanya ang kanyang first love?

"Mas mabuti na pong friends na lang kami. At least, pareho kaming mago-grow!" — Boy C De Guia

vuukle comment

AFTER CARLO

ANGELICA PANGANIBAN

BERNARD PALANCA

BOY C DE GUIA

CARLO AQUINO

JAKE CUENCA

JASON ABALOS

SANTA SANTITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with