^

PSN Showbiz

Sexy novelty princess

- Veronica R. Samio -
Maganda naman ang nangyari sa career ni Angelica Jones after na mawala siya sa Magandang Tanghali Bayan na kung saan ay nalagay siya sa kontrobersya. She was even made to choose between MTB and her mom, na mari-retain siya sa programa pero hindi niya isasama ang kanyang ina. Bilang isang mabuting anak, syempre pinili niya ang kanyang ina.

Never inisip ni Angelica na mawawala na siya permanently sa showbis. Una, dahil wala siyang matandaan na ginawang kasalanan, hindi siya nanapak o nang-agrabyado. Lalong, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa ABS CBN sapagkat malaki ang ginawa nito para makilala siya. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng break para magkaroon siya ng recording, sa sister company nitong Star Records na kung saan ang carrier single ng kanyang CD ay kasalukuyang humahataw ngayon, ang "Haller", pam-bagets na "hello." Ang network din ang nagbigay sa kanya ng pangalang Sexy Novelty Princess.

Ngayon, isang buwan siyang co-host sa pantanghaling programang Chowtime Na, 11NU, IBC 13. Doble ang TF niya sa MTB ang tinatanggap niya rito. Bagaman at bago pa lamang ang programa, unti-unti na itong lumalakas at dumarami ang advertisements.

Actually, matagal nang may offer dito kay Angelica pero hindi muna tinanggap ng kanyang ina sapagkat wala silang oras, hindi pa ayos ang kanyang mga schedule. Napakarami niyang dapat gawin at puntahan. Hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa ibang bansa, lalo na sa Japan na kung saan kababalik pa lamang niya mula rito pero, babalik siyang muli sa Pasko na kung saan ay mga apat o limang araw siyang mananatili. Mayro’n din siyang Dubai, Europe at USA sa mga unang buwan ng susunod na taon. Magsisimula na ring makita ang mga billboards ng product endorsements niya sa susunod na taon.

May movie na rin siya, ang Six in the City para sa Viva under the helm of Al Tantay.

Sa malas, hindi nasira ng intriga at gulo ng showbiz si Angelica Jones, dahil malakas ang paniniwala niya sa Diyos at ito ay ipinakikita niya hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.
* * *
Naglabas ng isang instructional video ang Regal Multimedia, Inc., sister company ng Regal Home Video, gumagawa ng mga dekalidad na pelikula at innovative video products.

Ito ang Celebrate Special Occasions with the Best Recipes of Via Mare at nagtatampok kina Carmina Villaroel at ang culinary expert na si Glenda Rosales-Barretto ng Via Mare.

Mahigit 60 minutes ang video na nagtatampok ng step-by-step at easy to follow recipes ng mga paboritong pagkain sa Via Mare, gaya ng stuffed Queso de bola, pork piña hamonado, pastel de lengua, Lapu-Lapu en mayoneso, cuchinillo with paella, cassava bibingka, pavo embuchado, poached pears and more. First time ito na ibinabahagi ni Ms.Barretto ang kanyang mga recipe katulong si Carmina na bagaman at abala sa kanyang career ay natuto ng mga tips and secrets sa pagluluto kay Ms. Barretto.

Nakapaghanda na si Ms. Barretto sa mga malalaking personalidad, mga artistang sina Brooke Shields at George Hamilton, King Fahd, Japanese Prime Minister Fukuda, King Juan Carlos1 at Queen Sofia of Spain, Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew, US President Gerald Ford, Pope John Paul 11, England’s Princess Margaret, Pakistan Prime Minister Bhutto, India Prime Minister Indira Gandhi.

Author din si Ms. Barretto ng apat na libro, Asean Seafood Cookbook, Flavors of the Philippines, Via Mare Seafood Cookbook at Shipshape, seafarer’s guide to sensible cooking.
* * *
Bukas ng gabi, may gagalang aakyat bahay na Santa Claus sa Brgy. Kulikuli. Magiging suspects ang hepe ng pulisya na si Ronaldo Valdez at ang chickboy na si James Blanco. Ito’y sa sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita na napapanood sa Kapuso channel sa direksyon ni Boyong Baytion.

Tatangkain ng mga machong anak ni Pilita Corrales, sina Richard, Raymart, Joey at Benjie na hulihin sila, pati na sina Bearwin at Teri.

Samantala, magtagumpay kaya si James na matuhog sina Alicia, Nancy, Maureen at Toni?

Malalaman sa Pamaskong episode na ito ng sitcom.
* * *
Nagbukas na nung Biyernes ang music bar/restaurant ni Sonny Parson na Hobbit East. Matatagpuan ito sa Sumulong Highway Lower Antipolo City.

Unique ang Hobbit East dahil dito lamang makikitang mag-perform ang mga tulad nina Freddie Aguilar, Florante, Maegan Aguilar, Music Concept, Watawat Band, si Sonny Parson mismo, atbp.

Samantala, muli na namang humahataw si Parson sa kanyang singing career kung saan every Thursday ay sa Hobbit House Mabini siya nagtatanghal at once a month ay nasa LA Cafe siya at pinanonood ng mga banyagang turista.

vuukle comment

ANGELICA JONES

HOBBIT EAST

KANYANG

MS. BARRETTO

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with