Alma, sasampalin si Kris!
October 10, 2004 | 12:00am
Ayaw pang ipaalam ng scriptwriter(s) ng Hiram ang eksaktong role ni Alma Moreno sa nasabing serye pero, sigurado ng kasama siya sa cast. Ang kwento lang sa amin, mataray ang papel ni Alma at may mga eksenang tatarayan niya si Kris. At sasampalin pa rin daw.
Agad kumalat sa ABS-CBN ang pagkadagdag ni Alma sa cast kaya, kahit may pakiusap na wag muna itong ilabas, kinailangan na naming isulat. Habang tina-type namin ang item na itoy hindi pa napag-uusapan kung magkano ang tatanggaping talent fee ni Alma sa pagpasok niya sa teleserye.
Naging malaking controversy ang naging away nina Kris at Alma noon dahil kay Joey Marquez. Siguradong maku-curious ang viewers kung paano sila magtrabaho ng magkasama at kung paano lalabas ang kanilang mga eksena. Kaya, inaasahan namin na mas tataas pa ang rating nito pagpasok ni Alma.
Hindi na kami nagtanong sa mga taga-Ch. 7 tungkol sa tsismis na itot either wala silang alam o hindi sila magsasalita. Hindi rin alam kung bakit hindi na ipagpapatuloy ng Dove ang pag-i-sponsor ng nabanggit na show.
Siguradong malaking intriga kung sakaling sa ABS-CBN ilipat ng Dove ang All About You, hindi ba?
Marami ang nagkakagusto sa show at pati mga batay inaabangan ito. May kilala kaming bagets na laging nagmamadaling umuwi ng bahay para mahabol ang airing ng show. Bukod sa nagagandahan ito sa story, malaki rin ang crush ng bagets kay Julianne Lee.
Isa sa mga bida ng Joyride si JC de Vera na ang girlfriend ay si Michelle Madrigal ng Star Circle Reload. Hindi sagabal sa pag-iibigan ng dalawa na magkaiba sila ng network na pinagtatrabahuhan. Kapag may mall show ang grupo ng Star Circle Quest na kinabibilangan ni Michelle, pinupuntahan at sinusundo siya ni JC.
Three Sundays ago, may mall tour sina Michelle sa SM Manila. Tinapos lang ni JC ang SOP Gigsters at dumeretso na siya sa mall para puntahan ang GF. Nagulat nga raw ang mga tao sa presence ni JC na taga-GMA-7 pero, nasa show ng talents ng ABS-CBN. Iyon ang nagagawa ng pag-ibig, hindi alintana ang network war!
Talagang in-love si Bobby kung totoong pinangakuan nito ng kasal si Micaela. Ang alam namin, may screen name ang members ng D Bodies at hindi namin alam kung sino sa kanila ang Micaela ang real name.
Ang ASAP ay sa Ultra at Folk Arts gagawin at bukod kay Jasmine Trias na kanilang guest, ang launching sa finalists ng Star Circle Quest ang aabangan. Malalaking production numbers din ang ating mapapanood.
Sa e-mail ni Rikka Dylim ng ABS-CBN, 40 stars ng Star Magic ang magpa-participate sa Full Circle segment ng 10th anniversary presentation ng ASAP. Seven non-stop production numbers na tatagal ng 12 minutes.
Opening number ang dance number ng Anime at susunod ang song number ni Piolo Pascual na kakantahin ang "She Will Be Loved" ng Maroon 5. May dance number din sina Camille Prats, Shaina Magdayao at Bea Alonzo at kaabang-abang din ang dance number nina John Prats, Danilo Barrios, Maja Salvador at Aiza Marquez.
Isang dance number din ang hatid ni Angelika dela Cruz at ang last sa non-stop production number ay ang number ng Hunks na kakantahin ang "Are You Gonna Be My Girl" kasama ang Streetboys at Hotlegs.
Hindi naman magpapahuli ang SOP sa kanilang live telecast sa Aliw Theater. Mapapanood lahat ang contract stars ng Ch. 7 at guests performers. Balita namin, darating sa Aliw ang cast ng Mulawin na naka-costume.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended




















