Billboard ni Juliana sa EDSA,ini-intriga
September 11, 2004 | 12:00am
Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na ipinatatanggal diumano ng MMDA ang nagkalat na mga billboards ng sexy star-turned TV host na si Juliana Palermo sa kahabaan ng EDSA na may kinalaman sa kanyang sexy at controversial TV program na Secrets na napapanood sa ABC-5 tuwing Martes ng gabi? Dahil sa mga sexy poster-billboards ni Juliana, nakaka-distract umano ito sa daloy ng trapiko along EDSA at baka maging cause pa umano ito ng aksidente. Pero wala umanong balak ang ABC-5 (producer ng show ni Juliana) na tanggalin ang mga sexy banners ni Juliana sa EDSA dahil hindi naman umano ito malaswa lalupat kuha ito ng magaling na photographer na si Xander Angeles.
Samantala, natutuwa kami para kay JM Rodriguez dahil meron na itong sariling TV program ngayon sa ABC-5 na pinamagatang Three Blind Dates na napapanood din tuwing Martes, 7:00 NG. Isa itong dating show na kakaiba ang presentation. Si JM ay hindi lamang isang mahusay na TV host kundi isa ring magaling na mang-aawit.
Si Dino ay dating miyembro ng Abstract Dancers na pinagmulan din nina Dingdong Dantes at Sherwin Ordonez at naging contract star din siya ng Viva Films.
Sa edad na 19 ay naging ama si Dino ng dalawang batang lalaki sa kanyang dating non-showbiz girlfriend. Ang kanyang panganay na anak na si Ethan Brian Ross (5) ay nasa pangangalaga nila ng misis niyang si Kim de los Santos habang ang pangalawa at bunso niyang anak na si Miguel Ross (4) ay nasa ina naman nito.
Pitong taon na ring nagsasama bilang mag-asawa sina Dino at Kim pero nung July 10, 2002 lamang sila nagpakasal. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak dahil may thyroid si Kim at ito rin ang dahilan sa patuloy na pagtaba ng huli. Pero determinado si Kim na pumayat kaya panay umano ang paggi-gym nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















