^

PSN Showbiz

Sexy star, dating labandera sa probinsiya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nakapagsyete na ang kontrobersyal na sexy star na ito ay isa palang dating labandera sa isang lugar sa Kabisayaan. Kinuha ito ng dating asawa ng isang radio broadcaster at dinala sa Maynila. Naging katu-katulong nila ito at komo may hitsura naman ay naisipang ipasok na bold star ni misis dahil sa kagustuhan na rin ng sexy star. Pinatangos ang ilong nito at pinaretoke ang dibdib at na isipang ipasok sa pelikula.

Natipuhan naman ito ng direktor at isinama sa kanyang mga proyekto. Pero hindi pa siya nailulunsad sa pagiging ganap na bituin dahil marami kasing mas bata kaysa sa kanya kaya pasupu-suporta na lang ito.

Ngayon ay gumagawa ito ng ingay kaya visible siya sa telebisyon.
Angelica, Naimbyerna Kay Bok
Hindi malaman ni Angelica Jones kung magagalit siya o matutuwa sa ginawang pag-amin ni Bok Brilliantes ng Masculados ng EK Channel na nobya siya nito. "Noon ay nasaktan ako dahil idininay niya ako. Pero nakabuti naman ito dahil hindi naman nagtagal ang pagiging mag-MU namin. Maayos naman ang aming paghihiwalay kaya na-shock ako nang sabihin niya sa EK Channel na boyfriend ko siya," ani Angelika.

Sa kabilang banda, nilinaw ng seksing aktres na wala silang relasyon ni Win Gatchalian pero boto sa kanya ang ama nito.
Vandolph, May Signos Sa Aksidente
Sa ikatlong pagkakataon ay muling nakaligtas si Vandolph sa aksidente. Mabuti na lang at gasgas at bukol lang sa ulo ang natamo nito. Sana mag-ingat na ang young actor dahil sa bilis ng pagmamaneho. Kasama uli nito ang kanyang girlfriend na si Jenny na tiwala raw sa pagmamaneho ni Vandolph.

Nahulog sa ginagawang C-5 tunnel ang Expedition nito sa kahabaan ng Katipunan Avenue kung saan nakabanggaan at nakipaggitgitan pa sa isang Honda Civic. Naniniwala kami na may problema ang young actor kaya sa pagmamaneho nang mabilis ibinubuhos ang sama ng loob.

Dalawang taon na ang nakararaan nang huling maaksidente rin si Vandolph na halos ikamatay nito na ikinamatay ng nobyang si Ishi.
Rizza, Type Si Aga
Inamin ni Rizza Rossini na bida ng Hamog sa Bukang Liwayway na matindi ang kanyang paghanga kay Aga Muhlach. "Talagang crush na crush ko siya dahil parang kay bango-bango niya at parang laging bagong paligo. Sana kapag dumating ang time na makawala ako sa sexy image at sumikat ay makasama ko siya sa pelikula. Hindi naman masama ang mangarap, di ba?" aniya.

Wala rin siyang nakakaligtaang mga pelikula o tv shows ni Aga. Napakaswerte naman si Charlene Gonzales dahil napangasawa niya ito ayon pa sa seksing aktres.

Sa pelikulang Kainan sa Highway ay nagkaroon ng breast exposure si Rizza pero dito sa bago niyang pelikula ay mas marami siyang daring scenes. Nakakontrata ito sa Vincent Films ng anim na taon.
Maraming Makaka-Relate Sa Connie And Carla
Sa darating na September 1 ay mapapanood ang pelikulang Connie and Carla na puno ng katatawanan. Katunayan sa premiere night nito ay iisa ang pahayag ng mga manonood. "Ang ganda-ganda ng pelikula at may mensahe pang mapupulot sa istorya tungkol sa self-acceptance."

Kwento ito ng dalawang magkaibigang sina Connie and Carla na matapos masaksihan ang pagpatay sa kanilang boss ay nangibang-lugar at nagpanggap na mga bading. Napasok sila sa mundo ng mga drag queen kung saan doon sila sumikat bilang mga singers.

Ang magandang mensahe rito ay ang pagtanggap sa individual differences ng bawat tao. Kung bading man at masaya siya sa kanyang pagkatao ay dapat na bigyan din ng pagpapahalaga. Sabi nga "each one is a unique person".

Ang Connie and Carla ay binubuo ng all-star cast na halos lahat ay taga-teatro. Tampok sina Nia Vardalos at Toni Colette gayundin si David Duchovny na kilala sa X-Files.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGELICA JONES

CENTER

CONNIE AND CARLA

NITO

SIYA

VANDOLPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with