^

PSN Showbiz

Ara Mina, mangugulo sa 'Lagot'

-
Tuwang-tuwa ang machong magkakapatid na anak ni Pilita "Mamita" Corrales na sina Joey "Tsong" Marquez, Richard "Ric" Gomez, Raymart "Toto" Santiago at Benjie "Junior" Paras nang maging maid nila si Ara Mina na bukod sa maganda at seksi ay masipag pa.

Ito’y sa episode ng sitcom na Lagot Ka, Isusumbong Kita ngayong gabi pagkatapos ng GMA telenovelas. Bilang Violeta ay mabait si Ara. Pero ang hindi alam ng Brgy. Kuli-Kuli, siya rin pala si Vultra na maghahasik ng lagim sa kanila.

Naging mabuhok ang buong katawan ni Tsong, pumangit si Ric, na kuba si Toto at tinubuan ng boobs si Junior. Nakatakda pa naman silang sumali sa Best Bro competition! Di lang ‘yon, pinataba ni Vultra ang mga seksing sina Toni (Gonzaga) at Alicia "Sussy" Mayer. Plano talaga ng magandang chimay/kontrabida na baguhin ang nasabing barangay.

Panoorin ang Lagot Ka na dinirihe ni Boyong Baytion para malaman kung magtatagumpay si Ara sa kanyang buktot na plano at kung paano mababalik sa dating anyo ang kanyang mga biktima. Ang iba pang members ng Lagot Ka cast ay sina Vangie Labalan, Maureen Larrazabal, Nancy Castiglione, Bearwin Meily, Cogie Domingo, Teri Onor at Rainier Castillo.

vuukle comment

ARA MINA

BEARWIN MEILY

BEST BRO

BILANG VIOLETA

BOYONG BAYTION

COGIE DOMINGO

ISUSUMBONG KITA

LAGOT KA

MAUREEN LARRAZABAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with