Kris,Mark wala pang intimacy ?
July 22, 2004 | 12:00am
Follow up ito sa nasulat naming pinatanggal ni Kris Aquino ang Final Four ng StarStruck na sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Rainier Castillo dahil taga-GMA 7 sila.
Mismong taga-Dos ang nagkumpirmang hiniling daw ni Tetay kay Mother Lily Monteverde, producer ng Que Sera Sera na tsugihin nga ang apat dahil hindi niya ma-take na makatrabaho ang talents ng taga-kabilang network na kinasuhan niya.
Kwento nga ni Kris sa set ng The Buzz, "Pinaalis ko sila sa set, ayoko sa kanila," kwento sa amin ng mismong taga-Dos.
Nag-report pala sa set ang apat at naroon nga si Kris at nang makita raw sila ay tumawag na ito kaagad kay Mother Lily na hindi niya gustong makasama ang apat.
Nanghihinayang ang F4 dahil first movie project pa mandin nila ito at disappointing pa on the part ni Jennylyn dahil na-televised pa ang pagpirma nito ng kontrata sa Regal Entertainment para sa Que Sera Sera na idi-direk ni Joel Lamangan.
And speaking of Kris Aquino ay naloloka raw ang mga staff ng The Buzz dahil panay pa rin ang kwento nito tungkol kay Mark Lapid gayung pinagsabihan na pala siya ng management ng istasyon na huwag nang ikukwentong nagkabalikan sila ng batang gobernador ng Tarlac.
Sinabi raw ni Tetay na masyado siyang bilib kay Mark dahil iginagalang siya nito at hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nagkakaroon ng intimacy.
Naiilang na lang daw ang mga nakakarinig kay Kris dahil pati raw yun ay nagawa pa nitong ikwento sa ibang tao.
Samantala, binigyan daw ng dalawang mamahaling relo ni Kris si Mark bilang pasalamat sa mga pasalubong nitong sapatos nung nagpunta ito ng Amerika.
Mukhang naaamoy naming malapit nang mamaalam sa ere ang Victim Extreme ni Carlos Agassi dahil wala na raw silang artistang makuha para biktimahin.
Kamakailan daw ay tinalakan ng head ng Talent Center na si Mr. Johnny Manahan ang staff ng Victim Extreme na hindi na sila makakaulit pang makakuha ng talent ng Talent Center dahil masyado raw nila itong binabastos.
"Inaalagaan nga naman ni Mr. M ang mga talents niya at hanggat maari ay wholesome ang image ng mga ito, tapos mapapanood mo na ginu-goodtime sa programa ni Carlos? Hayun, tinalakan silang lahat."
Dagdag pa na parang nakasandal ngayon sa pader si Carlos na hindi mawawala ang show niya dahil si Deo Edrinal ang manager niya, pero comment naman mismo ng taga-Dos, "eh, kung wala na siyang artistang makuha, paano tatayo ang programa niya?"
Therefore, "extra challenge" ito kay Carlos na para hindi patayin ang show niya, gumawa siya ng himala.
Abangan sa The Buzz ang interview kay Claudine Barretto tungkol kay Gretchen Barretto na bawat salitang bibitawan daw ni Greta sa programa ay hihimayin daw ng batang Barretto.
Nang malaman daw kasi ni Claudine na may interview ang ate niya sa The Buzz ay sinabi raw niyang sasagutin niya ito.
And speaking of Claudine, malaki pala ang kinalaman niya kung bakit nabawi ng Channel 2 ang rights ng life story ni Rico Yan sa GMA 7 na ilalabas na sa Maalala Mo Kaya dahil nagkabati na sila ng pamilya ng ex-boyfriend.
Tila utos daw ng Dos sa aktres na makipag-ayos na sa pamilya Yan para naman daw hindi lumabas na kontrabida ang network kapag natuloy na nakuha ng Siyete ang rights ni Corics.
Dagdag din na hiniling din daw ni Mrs. Cita Yan sa managemant ng Dos na bigyan ng sariling programa o isama si Bobby Yan sa mga shows ng network, in other words, bigyan daw ng career ang kuya ni Rico na isa nang konsehal ng San Juan, Metro Manila. Reggee Bonoan
Mismong taga-Dos ang nagkumpirmang hiniling daw ni Tetay kay Mother Lily Monteverde, producer ng Que Sera Sera na tsugihin nga ang apat dahil hindi niya ma-take na makatrabaho ang talents ng taga-kabilang network na kinasuhan niya.
Kwento nga ni Kris sa set ng The Buzz, "Pinaalis ko sila sa set, ayoko sa kanila," kwento sa amin ng mismong taga-Dos.
Nag-report pala sa set ang apat at naroon nga si Kris at nang makita raw sila ay tumawag na ito kaagad kay Mother Lily na hindi niya gustong makasama ang apat.
Nanghihinayang ang F4 dahil first movie project pa mandin nila ito at disappointing pa on the part ni Jennylyn dahil na-televised pa ang pagpirma nito ng kontrata sa Regal Entertainment para sa Que Sera Sera na idi-direk ni Joel Lamangan.
And speaking of Kris Aquino ay naloloka raw ang mga staff ng The Buzz dahil panay pa rin ang kwento nito tungkol kay Mark Lapid gayung pinagsabihan na pala siya ng management ng istasyon na huwag nang ikukwentong nagkabalikan sila ng batang gobernador ng Tarlac.
Sinabi raw ni Tetay na masyado siyang bilib kay Mark dahil iginagalang siya nito at hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nagkakaroon ng intimacy.
Naiilang na lang daw ang mga nakakarinig kay Kris dahil pati raw yun ay nagawa pa nitong ikwento sa ibang tao.
Samantala, binigyan daw ng dalawang mamahaling relo ni Kris si Mark bilang pasalamat sa mga pasalubong nitong sapatos nung nagpunta ito ng Amerika.
Kamakailan daw ay tinalakan ng head ng Talent Center na si Mr. Johnny Manahan ang staff ng Victim Extreme na hindi na sila makakaulit pang makakuha ng talent ng Talent Center dahil masyado raw nila itong binabastos.
"Inaalagaan nga naman ni Mr. M ang mga talents niya at hanggat maari ay wholesome ang image ng mga ito, tapos mapapanood mo na ginu-goodtime sa programa ni Carlos? Hayun, tinalakan silang lahat."
Dagdag pa na parang nakasandal ngayon sa pader si Carlos na hindi mawawala ang show niya dahil si Deo Edrinal ang manager niya, pero comment naman mismo ng taga-Dos, "eh, kung wala na siyang artistang makuha, paano tatayo ang programa niya?"
Therefore, "extra challenge" ito kay Carlos na para hindi patayin ang show niya, gumawa siya ng himala.
Nang malaman daw kasi ni Claudine na may interview ang ate niya sa The Buzz ay sinabi raw niyang sasagutin niya ito.
And speaking of Claudine, malaki pala ang kinalaman niya kung bakit nabawi ng Channel 2 ang rights ng life story ni Rico Yan sa GMA 7 na ilalabas na sa Maalala Mo Kaya dahil nagkabati na sila ng pamilya ng ex-boyfriend.
Tila utos daw ng Dos sa aktres na makipag-ayos na sa pamilya Yan para naman daw hindi lumabas na kontrabida ang network kapag natuloy na nakuha ng Siyete ang rights ni Corics.
Dagdag din na hiniling din daw ni Mrs. Cita Yan sa managemant ng Dos na bigyan ng sariling programa o isama si Bobby Yan sa mga shows ng network, in other words, bigyan daw ng career ang kuya ni Rico na isa nang konsehal ng San Juan, Metro Manila. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















