^

PSN Showbiz

Ella V. kinaiinisan dahil sa ugali

-
Halatang iritada ang Viva Hot Babe na si Ella V. nang makausap namin tungkol sa balitang kinaiinisan siya ng mga Viva Hot Men dahil may kamalasaduhan daw itong nagawa sa kanila noong magkasabay silang mag-show sa isang casino sa Pampanga.

Walang kaabog-abog daw itong si Ella na naghabilin sa isang production assistant sa loob ng dressing room na bantayang maigi ang kanilang mga gamit lalo na ang mga cellphone dahil baka umano magkawalaan dun. Nagkataong may ilang Hot Men sa loob ng nasabing room.

Isa pang isyu ang klinaro ng sexy star na hindi siya cheaper version ni Rufa Mae Quinto. Isa siyang degree holder at nagtatrabaho siya sa Viva at sa isang international picture bago siya naging Viva Hot Babe at kaya naman daw ito nagpaseksi ay dahil sa glamorosa ang trabaho, malaking kita sa pagiging Hot Babe.

Tanging si Ella lang daw ang humakot ng napakaraming bag na pinabulaanan naman nito dahil ang totoo raw dito, hinayaan sila ng may-ari na kumuha ng mga bag hanggang sa kaya nila. Kaya, hindi lang daw siya ang gumawa noon kundi lahat sila. Kaya bakit siya lang ang nililibak?

Isa si Ella sa pinagsabihan ng mga kaibigan niya na kailangan nitong magpa-liposuction para maalis ang kanyang unwanted fats pero matigas ang paninindigan nito na ayaw niyang maging slim sa tulong ng syensya.

Sa huling kaganapan, balitang nagpa-lipo na rin sa wakas itong si Ella dahil maraming nag-eengganyo sa kanya na magpa-lipo na ito lalo na ngayong sumisikat na siya. Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

ELLA

ELLA V

HOT BABE

HOT MEN

ISA

KAYA

RUFA MAE QUINTO

SIYA

VIVA HOT BABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with