Nagbago ka na nga ba, Bayani?
April 4, 2004 | 12:00am
Naniniwala na akong talagang sikat na si Bayani Agbayani! Paano ba naman, ang dami kong naririnig tungkol sa kanya na hindi naman favorable, negatibo.
Eh ang pagkakilala ko naman sa kanya ay hindi ganito. Kaya naman naniniwala ako na paninira lamang ito sa kanya. At kung sino man ang may gawa nito ay hindi na niya dapat pang pansinin. Baka KSP lamang ito. Ang dapat niyang isipin na naabot na niya ang dapat niyang maabot. At kung may tumututol o di payag sa narating niya, naiinggit lamang ito sa kanya.
Magandang magdala ng pagbubuntis si Donita Rose. Akala mo tuloy babae ang isisilang niya ganung nakapag-pa-ultrasound na siya at sinabing lalaki ang magiging panganay nila ni Eirc (Villarama). Happy naman silang mag-asawa dahil boy ang gusto nilang maging panganay para maalagaan nito ang mga susunod pa niyang mga kapatid.
Obviously love ni Donita ang kanyang pamilya dahil pangalan ng dalawang kapatid niyang lalaking ang ibibigay niyang pangalan sa baby nila.
Kahit hindi siya nakadalo sa ika-30th anniversary ng MOWELFUND na itinatag niya para sa kapakanan ng mga manggagawa ng industriya ng pelikula, hindi naman binigo ni Presidente Erap Estrada ang napakaraming myembro ng foundation dahilan sa nagpadala siya ng taped message na binasa para sa lahat. Hindi rin nakaligtaan ng kanyang maybahay na si Senadora Loi Estrada na magpadala ng mga regalo na ipinamahagi sa mga myembro at ilang mahahalagang gantimpala na ginamit na premyo sa isinagawang Bingo Social.
Binastos nga ba ni FPJ ang isang reporter ng GMA News na si Sandra Aguinaldo? Ito kasi ang usap-usapan ngayon na muli ay nagbigay ng hindi magandang imahe sa tumatakbong Pangulo ng Pilipinas.
Sigurado ako na isa lamang itong kaso ng hindi pagkakaintindihan. Sa pagkakakilala ko kay FPJ ay hindi ito bastos kundi isang maginoo. Napakaliit ng stage na pinagganapan ng rally niya at hindi man intensyon ni Ms. Aguinaldo baka naman nakasapaw siya sa pagsasalita ni FPJ na hindi nito minaganda.
Sana ay hindi na ito palakihin dahil nagkakaintindihan na naman ang mga taong kinauukulan na sina FPJ at Sandra.
Balita ko kasi ay may probe pa na ginagawa ang mga taga-NPC tungkol sa isyu na maaring gamiting isyu sa eleksyon.
Semana Santa na po, panahon na naman ng pagtitika sa mga nagawa natin sa nakalipas na taon. Naging mabuti ba tayong Kristiyano? Pakaisipin natin na anumang ginagawa natin sa ating kapwa ay ginagawa rin natin sa Panginoon.
Totoo nga siguro na mas madaling gumawa ng masama kaysa mabuti kaya napakarami ng masasamang gawain at tao sa ating paligid. O baka naman talaga ng napakasama na nang kinahantungan ng ating mundo kung kaya ang paggawa ng masama ay isa nang paraan para mabuhay.
Marami ang naghihirap para mabuhay. Ang buhay ay isang napaka-halagang bagay sa mundo. Wala po tayong karapatang pumatay para lamang mabuhay. Ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng ating hiram na buhay.
Isang makabuluhang Mahal na Araw sa ating lahat.
Eh ang pagkakilala ko naman sa kanya ay hindi ganito. Kaya naman naniniwala ako na paninira lamang ito sa kanya. At kung sino man ang may gawa nito ay hindi na niya dapat pang pansinin. Baka KSP lamang ito. Ang dapat niyang isipin na naabot na niya ang dapat niyang maabot. At kung may tumututol o di payag sa narating niya, naiinggit lamang ito sa kanya.
Obviously love ni Donita ang kanyang pamilya dahil pangalan ng dalawang kapatid niyang lalaking ang ibibigay niyang pangalan sa baby nila.
Sigurado ako na isa lamang itong kaso ng hindi pagkakaintindihan. Sa pagkakakilala ko kay FPJ ay hindi ito bastos kundi isang maginoo. Napakaliit ng stage na pinagganapan ng rally niya at hindi man intensyon ni Ms. Aguinaldo baka naman nakasapaw siya sa pagsasalita ni FPJ na hindi nito minaganda.
Sana ay hindi na ito palakihin dahil nagkakaintindihan na naman ang mga taong kinauukulan na sina FPJ at Sandra.
Balita ko kasi ay may probe pa na ginagawa ang mga taga-NPC tungkol sa isyu na maaring gamiting isyu sa eleksyon.
Totoo nga siguro na mas madaling gumawa ng masama kaysa mabuti kaya napakarami ng masasamang gawain at tao sa ating paligid. O baka naman talaga ng napakasama na nang kinahantungan ng ating mundo kung kaya ang paggawa ng masama ay isa nang paraan para mabuhay.
Marami ang naghihirap para mabuhay. Ang buhay ay isang napaka-halagang bagay sa mundo. Wala po tayong karapatang pumatay para lamang mabuhay. Ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng ating hiram na buhay.
Isang makabuluhang Mahal na Araw sa ating lahat.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















