^

PSN Showbiz

Bernadette,sama na rin kay Cheche sa ABC 5

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hanggang Pebrero na lang pala ng taong ito si Bernadette Sembrano sa Wish Ko Lang. Balitang lilipat na ito sa ABC 5 para makasama si CheChe Lazaro ng The Probe Team na siyang mamamahala sa News Department ng Singco.

Hindi na nito ni-renew ang kontrata sa said show dahil may problema rin ito sa News Department kaya hindi na napapanood sa News Flash Report, Weekend News at kahit bilang segment host ng Frontpage at Saksi. Balitang hindi naman tatanggalin sa ere ang Wish Ko Lang dahil papalitan na lang si Bernadette ng bagong host na maka-masa rin gaya nito.
Ang Galing Ni Eula!
Napanood ko ang Maalaala Mo Kaya last Thursday dahil gusto kong malaman ang istorya ng pagkakasakit ng cancer ni Rio Diaz. Akala nga namin noong una ay cancer of the breast ito yun pala ay cancer of the colon. Ang galing-galing ni Eula Valdez bilang si Rio. Isa siyang magandang halimbawa kung paano kumapit sa Panginoon para maging handa sa mabigat na pagsubok. Ang ganda pa rin ni Eula kahit sang anggulo tingnan bilang maybahay ni Ricky Davao na gumanap namang Charlie Cojuangco na supergaling din ang acting!
Ampon Si Isabella!
Namimili sa SM Pampanga ang sexy star na si Isabella Gomez nang madiskubre ng manager na si Rey Arevalo at isinama agad sa pelikulang Sex Scandal. Nakakontrata ito ng limang taon sa kanyang manager pero ngayon ay gusto nang kumawala sa poder nito. "Kasi po hindi niya ibinibigay ang talent fee ko. Humingi na ako ng tulong sa abogado para pakawalan na n’ya ako kaso kailangan ko raw magbayad ng P150,000 na halaga ng kontrata ko sa kanya," anang aktres.

Batid ni Isabella na siya’y isang ampon pero mabait ang kinikilala niyang magulang at tatlong kapatid na puro lalaki. "Kilala ko naman ang tunay kong ina at nagkikita kami dahil kaibigan siya ng umampon sa akin. Pero mas gugustuhin kong doon na lang ako sa kinikilala kong ina. Mabait din naman ang mga kapatid kong lalaki at supportive sila sa aking career kahit mag-bold pa ako. Nauunawaan nila na bahagi lang ito ng aking trabaho," dagdag pa ng sexy star.

Tumigil muna ng pag-aaral sa University of Baguio si Isabella kung saan third year college na ito sa Mass Communication para maipagpatuloy ang ambisyong mag-artista.
Mariz, Umaasang Pakakasalan Ni Mayor
Joey
Malakas talaga ang loob nitong si Mariz (Maribeth Martin) na nagpainterbyu at inaming nabuntis siya ni Mayor Joey Marquez. Pero pakakasalan naman kaya siya ng aktor gayung hindi pa niya ito nagawa sa sinumang babaeng naugnay sa kanya kahit pa si Kris Aquino?

Palagay ko ay malabo ang kahilingang pakasalan siya ni Meyor. Parang wala na nga sa loob nito na maisaayos ng mabilisan ang annulment case nila ni Alma Moreno.

ALMA MORENO

AMPON SI ISABELLA

ANG GALING NI EULA

BALITANG

BERNADETTE SEMBRANO

CHARLIE COJUANGCO

NEWS DEPARTMENT

WISH KO LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with