^

PSN Showbiz

Movie ni Maye Tongco,maipapalabas pa kaya ?

- Veronica R. Samio -
Dalawang beses nang nai-X ang pelikula ni Maye Tongco na Alipin ng MTRCB. Ngayon ay nasa Appeals Committee na ito ng Malacañang.

Worried ang sexy star na baka hindi na maipalabas ang movie niya pero positibo ang pananaw niya na maaaprubahan ito.

Nung Lunes ay nirepaso ito ng Komite at bukas pa malalaman ang resulta. Wish ni Maye na maging maganda ang resulta para maging masaya ang Pasko ng producer niya na ngayon pa lamang nagsisimulang mag-produce ng pelikula. Kapag hindi ito maipalabas ay marami ang magkakaroon ng malungkot na Pasko. Kaya ang approval ng Alipin ang hinihiling niyang Christmas gift.
* * *
Marami ang nag-akala na magkakaroon ng iringan sina Belinda Bright at Maricar de Mesa dahil pareho silang kinuha ng Ginebra San Miguel Inc. para maging modelo ng kanilang kalendaryo para sa 2004.

Pero, walang nangyaring ganito sa dalawang sexy stars dahil kilala na nila ang isa’t isa since nagkasama na sila sa pelikula. Katunayan open si Belinda sa suggestions ni Maricar na siyang mas senior sa kanila.

First time ito ng Ginebra na magkaroon ng dalawang modelo na makikita sa limang layouts ng mga produktong Ginebra San Miguel, GSM Blue, Vino Kulafu, Gran Matador at ang Corporate Layout.
* * *
Siguro ngayon maniniwala na si Sarah Geronimo na sikat na siya. Magkakaroon kasi siya ng Fans Days ngayong hapon, 2:00, sa New Fiesta Carnival Activity Center sa Araneta Center, Cubao. Pormal na ilulunsad ang fans club niya na tatawaging Popsters.

Makikiparty sa kanya sina Mark Bautista, Dexter, Ashley, 3YO, Tosca Puno, Jason Velasquez at Florie Mae Lucido.
* * *
Isa sa kasama sa cast ng bagong teledrama na It Might Be You ng ABS-CBN at magsisimulang mapanood bukas, Dis. 8, ay ang nagbabalik na si Sarsi Emmanuel.

Maganda ang role ni Sarsi sa naturang palabas bilang adoptive mother ni Bea Alonzo kaya excited siya sa palabas.

"Gustung-gusto ko na talagang bumalik sa pag-aartista pero kinailangan pa rin akong kumbinsihin ng manager ko (Tita Angge) ng husto para tanggapin ko ang role. Wala kasi akong lakas ng loob at talagang nahihiya pa ako pero yung urge, matagal nang nandun," ani Sarsi sa isang interview.

T
hirteen years na nang huling lumabas sa movie si Sarsi at ito ang Gabi Na Kumander ng Viva starring Phillip Salvador.

May dalawang anak na babae si Sarsi na aniya ay dahilan kaya niya isinakripisyo ang kanyang acting career.

"Pero, wala akong asawa, single mother ako. Okay sa akin kung gugustuhin nilang mag-artista pero, wala silang balak. Parang mas gusto niya yung wala sa limelight," ani pa ni Sarsi.

vuukle comment

APPEALS COMMITTEE

ARANETA CENTER

BEA ALONZO

BELINDA BRIGHT

CENTER

CORPORATE LAYOUT

FANS DAYS

FLORIE MAE LUCIDO

SARSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with