^

PSN Showbiz

Lalaking kalbo ang type ni Tracy

-
Inamin ni Tracy Torres na attracted siya sa mga matatangkad na lalaking kalbo. Ginawa niyang example si Jon Hall na image model ng Bench at nakasama ni Aubrey Miles sa pelikulang Xerex ng Regal Entertainment, shown a few months back.

"Pero wala pa naman sa isip ko ang pag-aasawa. Naka-focus ang atensyon ko ngayon sa aking movie career. Love can wait, although alam ko namang dumarating na lang yan sa atin nang di natin inaasahan, di ba?"

Last Thursday, magkakasamang nag-rally sa Plaza Lawton sina Tracy, Clarissa Mercado, JP Obligacion at Gerald Lauron. Silang apat ay nasa cast ng bagong pelikulang handog ng Leo Films, ang Mapanukso.

May mga dala silang placards at humihingi sila ng tulong kay US President George W. Bush para makarating silang mga Ameracians sa Amerika. What is this? Another promo gimmick for their movie?

Laking Angeles City, Pampanga si Tracy at aminado siyang anak ng Amerikano. Dito siya nagtapos ng high school bago nadiskubre while modelling on the ramp. Image model siya ng Ba Bah Clothes sa Harrison Plaza at Urban & Community sa Glorietta.

Sa isang movie mo, tumakbo ka ng hubad sa isang ricefield? Bakit ka pumayag na gawin ang gimik na yun?

"Sa Punla po yun! Ginawa ko yung eksenang pagtakbo ng hubad dahil solo movie ko po yun at kailangan sa istorya. Si Emilio Garcia ang leading man ko doon. Hindi po gimik yun."

Kasama si Tracy sa Bad Girls Show na ipalalabas sa Club Crib along with Rose Valencia, Tracy Trillanes at iba pa. Proyekto ito ng Image Blanc ng magkapatid na Melissa Mendez at Glenda Garcia.Ben Dela Cruz

vuukle comment

AUBREY MILES

BA BAH CLOTHES

BAD GIRLS SHOW

BEN DELA CRUZ

CLARISSA MERCADO

CLUB CRIB

EMILIO GARCIA

GERALD LAURON

GINAWA

TRACY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with