^

PSN Showbiz

Malaysian ang boyfriend ni Vina

SUNTOK S BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naging masaya ang birthday ni Vina Morales noong October 17 dahil mayroon na itong bagong pag-ibig. Balitang ang bagong nobyo nito ay si Sulayman Taib, isang negosyanteng mula sa Malaysia. Naipakilala na ng aktres ang kanyang nobyo sa mga kapatid pero, hindi pa sa magulang nito.

Hanggang ngayon ay enjoy pa rin sa pagiging single si Vina at malabo pang lumagay sa tahimik.
May Bidding Sa Star Awards For Tv?
Isa kami sa tumiwalag noon sa Philippine Movie Press Club at 16 kaming tinaguriang disgruntled members.

Sa nakaraang Star Awards for TV ay marami kaming natanggap na feedback na karamihan ay puro negatibo na kumukwestyon sa kredibilidad ng mga namumuno dahil sa nangyaring botohan. Sabado pa lang ng umaga ay alam na kung sinong mananalo na dahilan para walang malalaking executives at artista ng Syete sa awards night. Paano nagkaroon ng leakage kung saan halos puro mga taga-Dos ang naroroon?

Gaano rin katotoo ang balitang nasasagap namin na parang ‘bidding’ ang nangyaring botohan? Binigyan daw ng number sa balota ang myembro kung saan isusulat doon ang pangalan ng mga nominees na gusto nilang papanalunin. (Parang package deal) na may napag-usapang amount na malaki-laki rin. Kung talagang ibinoto ng isang myembro ang mga nominadong nasa listahan ay saka siya makakatanggap ng halagang napag-usapan.

Madaling sabihing normal naman na nangyayari ito sa kahit anong award-giving bodies pero dito masusukat ang moral values ng isang myembro na mas pinahahalagahan ang dignidad ng pagkatao kaysa sa halaga ng pera.
EP Ng Isang Network, Benggadora
Naimbyerna ang isang talent coordinator-reporter na nagparating sa amin tungkol sa pag-uugali ng isang executive producer ng isang show sa isang malaking network. Mahilig itong mangutang ayon sa TC sa ilang mainstay ng kanyang hina-handle na programa sa telebisyon.

"Good na good siya kapag nangungutang at bibigyan pa ng exposure ang inuutangang artista. Pero kapag singilan na ay unti-unti na nitong titigbakin sa programa ang artista. "Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanyang show ang isang young actor na nagkamit na ng acting award at isang young actress din na mula sa angkan ng mga artista.

Alam kaya ng bigwigs ng network ang ginagawa ng EP?
* * *
PASASALAMAT: Sa mga nakaalala sa aking kaarawan noong October 16 at pasasalamat kina Boss Wilson Tieng ng Solar Films Aida Tieng, Direk William Mayo, Amalia Fuentes Mayor Rey, Gigi at PJ Malonzo, Ed Alcantara, Tracy Torres, Lynn Madrigal, Sharmaine Santiago, Bryan Homecillo, Melvyn Dizon, Offie Angeles, Soroptomist (Dasma-Salcedo Club) Weng del Prado, Jao Mapa at mga pagbati nina Ali Sotto, Arnold Clavio, mga kaibigang press people, Priscilla Almeda at Nacy, Jojo Veloso & talents.

vuukle comment

AIDA TIENG

ALI SOTTO

AMALIA FUENTES

ARNOLD CLAVIO

BRYAN HOMECILLO

DASMA-SALCEDO CLUB

DIREK WILLIAM MAYO

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with