^

PSN Showbiz

Kris, nangarap sanang magpakasal

-
Bago nangyari ang hiwalayang Kris Aquino-Joey Marquez ay nainterbyu ang TV host-actress ng isang broadsheet columnist. Isa sa mga sinabi ni Kris sa naturang manunulat ay ang pangarap niyang makasal sa loob ng tatlong taon.

"Bago ako magkaedad ng 35 ay gusto kong magpakasal," ani Kris. "Thirty two ako ngayon kaya mga tatlong taon na lang ang hinihintay ko. Kanino? Gusto kong magpakasal sa isang lalaki na comfortable with who I am. Isang lalaking hindi lang tatanggap sa akin kundi mag-aalaga sa akin. Mahalaga sa akin na ma-impress ako sa kanya at sa mga achievements niya. Kailangang malayo na ang narating niya sa buhay at sana’y sa sarili niyang paraan. Mahalaga ring mahusay siyang kakwentuhan at pag-uusapan namin ang mga nangyari sa buong araw. Dati, may listahan ako ng mga qualities ng ideal man ko, pero ngayon wala na akong pakialam sa listahan. Hindi naman kasi matutupad ’yan.If he comes, I’ll know. Or if it’s there, it will last!"

Si Joey kaya ang tinutukoy ni Kris sa statement niya? Sino ang lalaking pakakasalan niya ngayong hiwalay na sila ni Joey? May pag-asa pa kayang magkabalikan sila? — Dennis Adobas

vuukle comment

DATI

DENNIS ADOBAS

ISA

ISANG

KAILANGANG

KANINO

KRIS AQUINO-JOEY MARQUEZ

MAHALAGA

SI JOEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with