^

PSN Showbiz

Frustrated murder ang kasong isasampa ni Kris laban kay Mayor Joey

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sinisulat namin ang kolum na ito ay nakarating sa amin ang impormasyon na frustrated murder ang kasong isasampa ni Kris Aquino laban kay Mayor Joey Marquez.

Kunektado ang kaso sa pahayag ni Kris na diumano’y tinutukan siya ng baril ni Mayor Joey kasabay ang pananakit nito nang pisikal sa kanya nang magkaroon sila ng argumento sa condo unit ng aktor-pulitiko nu’ng nakaraang Lunes ng gabi.

Siguro nga’y matatag na ang disposisyon ngayon ni Kris, lantaran ang pagtutuldok nito sa kanilang relasyon ni Mayor Joey, dahil nu’ng mga nakaraan naman nilang pagtatalo ay hindi siya nag-aalsa-balutan sa Essensa sa The Fort.

Araw lang ang itinatagal ng kanilang tampuhan, si Kris sa pagkakaalam namin ang palaging sumusuko kay Mayor Joey. Kaya nakagugulat ang mga ginagawa niyang hakbang ngayon laban sa aktor-pulitiko.

Pumasok na sa eksena sina Tita Cory at Congressman Noynoy Aquino. Madaling unawain ang ginawang pagkilos ng mga ito, dahil natural lang na kapag kapamilya na ang sangkot ay mas lumulutang ang kuneksiyon ng dugo.

Idagdag pa na noon pa man ay laban na sa relasyong Joey-Kris ang mag-ina, natural lang na ang mga ito ngayon ang kumandili kay Kris na ang sumbong ay siya ang nadehado. Kaya tulung-tulong na kumilos ang pamilya para sa kanilang bunso.

Napakabilis ng mga pangyayari, nagpa-medical si Kris nu’ng umaga, nagpunta sa Crame ng hapon para sa pagpapa-blotter, at ngayo’y may nakahanda na silang kaso laban sa aktor-pulitiko.

Wala nang lingunan sa nakaraan ito ngayon, handang-handa na nga si Kris na talikuran ang isang relasyong ipinaglaban niya ng todo, na pati ang kanyang pamilya ay handa niyang talikuran para lang sa pag-iibigan nila ni Mayor Joey.
* * *
Laging nang dalawang panig ang isang isyu, kung may sariling kuwento si Kris ay natural lang na may sariling bersiyon naman ng pangyayari si Mayor Joey, pero ang katotohanan ay iiwanan na lang natin sa kanila.

Ikinabigla ng komedyante ang mga nangyari, ang akala kasi niya’y isang simpleng tampuhan lang ang naganap sa kanila. Hindi niya inisip na lalawak pala ng ganito ang isyu.

"I just stayed home when she left, nanood lang ako ng tv, umuwi naman siya sa mommy niya. Hindi totoong nakatakas lang siya sa condo, walang ganu’ng pangyayari, maayos silang bumaba ni Joshua, ng yaya ng bata at ni Bambi Fuentes nu’ng umalis sila.

"Nag-kiss pa nga sa akin si Josh bago sila umalis, e, kaya bakit kailangan niyang tumakas? Walang masamang nangyari that night para kailanganin pa niyang pwersahang tumakas," paliwanag ni Mayor Joey.

Alam ni Mayor Joey na matinding laban ang hinaharap niya ngayon. Babae si Kris at nagsabi pang sinaktan niya ito, kaya natural lang na mas makisimpatya ang publiko sa tv host.

"Saka madalas niya namang sabihin sa akin ‘yun, na kapag siya ang nagsalita, people will believe her, may credibility raw kasi siya at sikat siyang artista.

"Pero I was shocked, hindi ko alam na kaya pala niyang gawin ang ganito sa akin, I didn’t expect na ganito pala ang kauuwian ng lahat, para sa akin kasi, e, away lang ito ng magkarelasyon na kayong dalawa lang din ang aayos.

"Hindi ko alam na may mamamagitan ng lawyers, na may blotter na, may kaso na palang isasampa against me, hindi ko talaga inisip na mangyayari ang ganito.

"I texted Kris, sinabi ko sa kanya na sana, ‘yung mga totoo lang ang sabihin niya, I told her na we both know what really happened, kaya du’n lang sana kami," sabi pa ni Mayor Joey.

Malaking iskandalo para sa magkabilang panig ang pangyayaring ito, malaking kasiraan ito para kay Mayor Joey. Pero tanggapin natin ang katotohanang mas malaking kahihiyan ito para sa pamilya ni Kris Aquino.

vuukle comment

JOEY

KRIS

KRIS AQUINO

LANG

MAYOR

MAYOR JOEY

NIYA

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with