^

PSN Showbiz

Lea vs F2+Brabie,sino ang panalo?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Magarbong celebration ang ginawa ng ASAP to pay tribute to the future bride na si Lea Salonga last Sunday. Hataw sa mga production numbers ang ginawa ng mga ASAP regulars along with guests Shaina Magdayao, Alyssa Gibbs at Roselle Nava sa medley ng mga hits songs ng international star at maging ang song numbers led by Piolo Pascual. Wala ring tatalo sa napakagandang rendition ng mga divas sa kanilang hit songs with Lea. Kasama sa song number sina Zsaza Padilla, Gary Valenciano, Kuh Ledesma at Martin Nievera. Aminin man natin o hindi, tila isang concert ang napanood ng mga ASAP viewers nung Linggo. Walang itulak kabigin sa ganda ng line-up ng mga songs at syempre ang galing ng mga nasabing singers ay talagang panalo.

Bukod sa blooming si Lea, halata namang very appreciative ang singer sa ginawang ito ng ASAP. Wala pa ring kupas ang ganda at galing niya. Imposible ring hindi niya mapuno ang PICC sa kanyang nalalapit na concert. Kahit pa kasabay ito ng F4 concert, siguradong marami ang manonood sa kanya dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nag-concert dito. Ang nasabing concert ni Lea ay magtatampok ng mga all time favorite Filipino hits through the years kasama ang Manila Philharmonic Orchestra.
* * *
Speaking of ASAP, na-touched naman si Kristine Hermosa sa kanyang 20th birthday celebration. Maiyak-iyak siya nang mapanood ang VTRs ng mga nakatrabaho niyang directors sa movies at TV. Maging ang song number at interview nina Tita Mai, Kathleen at kapatid na si Maxine ay halata mong very heart warming para sa magandang aktres. Surprise rin ng araw na iyon ang ilan sa mga naka-trabaho at naka-loveteam niya sa showbiz na sina Dominic Ochoa at Baron Geisler. Finale naman sa pagkanta si Jericho Rosales at halos hindi matigil sa hiyawan ang mga fans sa studio. Very sweet na kumanta ang dalawa na animo’y walang nanonood sa kanila.

Lalo naming hindi kinaya ang sigawan at palakpakan ng mga fans sa studio nang halikan ni Echo si Kristine sa lips bukod sa kanilang mahigpit na yakapan. Isang patunay lamang na hindi pa rin nawawalan ng kupas ang kanilang tambalan inspite of the rumors na wala na raw tagasubaybay ang dalawa. Hindi pa rin natitinag ang mga avid Echo-Tin fans sa pag-suporta sa lahat ng projects ng dalawa lalo na ang kanilang daily soap na Sana’y Wala Nang Waskas.

"Kahit ano pa ang sabihin nilang paninira kina Echo at Tin, nandito pa rin kami para suportahan sila," madiing sabi ng isang loyal fan.

Kung tutuusin, wala naman talagang pumapatol sa mga naninira sa kanila dahil ang katotohanan naman talaga’y ang tambalan ng dalawa’y isa sa mga most loved tandems. Ako mismo ay saksi sa kanilang sweetness kaya walang basehan ang ibang nasulat na hindi sila nagbabatian kahit pa magka-loveteam. Kahit pa nali-link sila sa iba ay wala ring pakialam ang dalawa dahil importante sa kanila ay mapanatili ang magandang rapport at pagiging magkaibigan.
* * *
Matapos ang maintrigang lifestory ni Angelica Jones, isang kwelang episode ang mapapanood sa darating na Huwebes kung saan ang istorya ng rap group na Salbakuta ang bibigyang buhay sa Maalaala Mo Kaya. Dalawa sa gaganap sina Ryan Eigenmann at Vhong Navarro. Teaser pa lang ay mukhang marami na ang naiintriga. Abangan ito sa Huwebes after Sana’y Wala Nang Wakas.

vuukle comment

ALYSSA GIBBS

ANGELICA JONES

BARON GEISLER

DOMINIC OCHOA

GARY VALENCIANO

HUWEBES

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with