^

PSN Showbiz

Pagpasok sa 'Eat Bulaga' hinigpitan

-
Kung ano’ng luwag ng mga PSG sa pagpapasok sa Malacañang, siya namang higpit ng pagpapapasok ngayon sa Broadway Centrum para sa mga movie press na gustong dumalaw sa programang Eat Bulaga para magsagawa ng mga interbyu.

Sa kagustuhan naming maunang makapanayam ang mga myembro ng Sex Bomb Girls hinggil sa kanilang upcoming TV series na Daisy Siete particular na si Rochelle Pangilinan, tinungo namin ang Broadway Centrum. Ipinakita ko ang aking identification card sa guard. Ipinasa ito kay Herman Escueta. Nirebisa ang aking ID. Nagkataon na wala pa akong bagong ID. Sabi niya, "Expired na lahat ito!" Alam mo tatapatin kita… pwede mamaya na lang!"

Pagkasabi niyang iyon, sinabi ko ang mga sadya ko. Kailangan kong mag-interbyu dahil wala na akong maidi-deadline. Pinaghintay pa rin ako na ang ending natapos ang show ng walang nangyari. At ang Herman Escueta ay pumasok sa loob at hindi na nagpakita!

Ganito na ba kahigpit ngayon ang Eat Bulaga para sa mga katulad naming naghahanap ng balita na maisusulat? Alam ba ito nina Ms. Malou Fagar at Mr. Tony Tuviera? Hindi kaya lumalaki lang ang ulo nitong si Herman Escueta at ibig lang magpapansin? Ang expired ID’s ba ay sukatan ng Eat Bulaga para hindi na tratuhin ang mga manunulat na katulad namin? Attention Mr. Escueta, that expired ID na iniisnab-isnab mo ay ang gate pass na ginagamit din namin sa GMA-7 EDSA at sa Malacañang. Pero hindi kami nababastos unlike your attitude na ipinakita last August 26 sa Broadway Centrum.

Mabuti pa sa Magandang Tanghali Bayan (MTB) at ABS-CBN, hindi ganito ang mga trato sa mga movie press na nagpupunta! — Boni A. Casiano

vuukle comment

ALAM

BONI A

BROADWAY CENTRUM

DAISY SIETE

EAT BULAGA

HERMAN ESCUETA

MAGANDANG TANGHALI BAYAN

MALACA

MR. ESCUETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with