^

PSN Showbiz

Makabalik pa kaya si Alma Soriano?

-
Natutuwa kami sa muling pagiging visible ni Alma Soriano sa local entertainment scene. Aminado naman siyang pabalik-balik ng Japan at kapag my raket dito sa Pilipinas, like shows at pelikula, dito muna siya.

Alma could have been a big star by now kung nagtuluy-tuloy niyang binigyan ng full concentration ang kanyang movie career. Natatandaan namin noong hawak pa siya ng isang dating kaibigan, kabi-kabila ang raket niya. Bukod sa movies, hectic ang schedules niya for shows in and outside Metro Manila.

Pero nang umeksena ang pag-ibig, yun ang binigyan niya ng prayoridad. Naging hadlang tuloy sa magandang takbo ng kanyang showbiz career. But she learned a lot from the past, kung ano ang dapat na pagtuunan niya ng pansin ngayon.

Anyway, she’s back! At maganda ang feedback sa acting na ipinakita niya dito sa pelikulang Kalabit ni Direk Buboy Tan. She is Celia in the movies, isang masahista. Nagpapahulog siya ng paiyakan sa mga factory workers.

Magaling siya ayon sa mga nakapanood na ng advance screening, agaw-eksena, considering na mahigit isang taon siyang namalagi sa Japan at doon rumaket. Bukod kasi sa pagsayaw, mahusay ding singer si Alma.

Ang pelikulang Kalabit ay pinangungunahan ng mga de-kalibreng artista na may ipinagmamalaki nang tropeo sa acting field. Sina Ara Mina, Raymond Bagatsing at Carlos Morales. — BDC

ALMA SORIANO

AMINADO

BUKOD

CARLOS MORALES

CELIA

DIREK BUBOY TAN

KALABIT

MAGALING

METRO MANILA

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with