^

PSN Showbiz

'Hindi ako buntis' - Maritoni Fernandez

RATED A - Aster Amoyo -
Personal na pinabulaanan sa amin ng aktres na si Maritoni Fernandez na siya’y buntis courtesy of her boyfriend (of eight months) na si Hans Montenegro.

"Kung ako’y totoong buntis, hindi ko itatago at ibabando ko sa buong mundo pero ang siste, hindi totoo. In the first place, hindi pa ako pwedeng magbuntis dahil patuloy pa rin akong nagpapa-check-up every three months na may kinalaman sa aking breast cancer and this will last for five years at nakakadalawang taong pa lamang ako. So kailangan ko pang bunuin ang tatlo pang taon bago ako totally ma-clear sa aking (dating) sakit," paliwanag ni Maritoni.

May suspetsa si Maritoni na ang tsismis ay nagsimula marahil nang magtungo sila ni Hans sa St. Luke’s Hospital para magpa-check-up si Hans sa kanyang kidney stones. Sumailalim si Hans ng iba’t ibang check-up at kasama na rito ang ultrasound. Dito marahil nagsimula ang tsismis dahil nasa loob sila ng ultrasound. Siguro ang source ng nagsulat, inakala na buntis marahil si Maritoni dahil nasa ultrasound sila.

"Hindi ko malaman kung matatawa o maiinis kami sa balita dahil walang katotohanan ang kanilang inilabas na para bang siguradung-sigurado sila. Porke ba’t nagpunta ka sa ultrasound, buntis na?" naiiritang pahayag ng aktres.

Ayon kay Maritoni, hindi pwedeng madaliin ni Hans ang pagkakaroon ng baby dahil sa kanyang kalagayan. Sa ngayon, masaya na sila sa dalawa nilang anak — si Alexie (8) na anak ni Maritoni sa kanyang ex-husband na si Alex at si Ashley (4) na anak naman ni Hans sa kanyang ex-wife, ang dating beauty queen na si Cara Subijano.

Kasalukuyang nasa bansa si Ashley for a vacation na hiniram nina Hans at Maritoni kay Cara nang magtungo sila sa Amerika last May 26 at bumalik naman sila ng Pilipinas kasama si Alexis nung June 18. Sa August 10 ay si Maritoni naman ang maghahatid kay Ashley sa mommy nito (Cara).

Maganda ang relasyon nina Maritoni at Cara dahil kung hindi, hindi naman siguro ipagkakatiwala ni Cara ang kanyang anak sa bagong karelasyon ngayon ng dati niyang mister. Very close rin sina Alexie at Ashley at magkapatid ang kanilang turingan.

Samantala, ibinalita rin sa amin ni Maritoni na tuloy ang plano nilang pagpapakasal ni Hans sa buwan ng Mayo sa susunod na taon sa London, kung saan isinilang at lumaki si Maritoni. Divorced na si Hans sa kanyang unang misis na si Cara sa Amerika at napawalang bisa na rin ang kasal ni Maritoni sa kanyang dating mister na si Alex.
* * *
Tulad nina Eddie Garcia at Ace Vergel, walang kyeme na tinanggap ni Victor Neri ang kanyang role sa Masamang Ugat kahit kontrabida ang kanyang naging papel.

"Hindi aangat ang isang bida sa pelikula kung walang kontrabida," diin ni Victor. "Wala ’yun sa papel kundi kung paano mo gagampanan ang papel na ipinagkakatiwala sa ’yo. Kung si Tito Eddie (Garcia) nga na nagbibida rin sa mga pelikula ay tumatanggap pa rin ng mga contravida roles, how much more ako?" deklara pa ni Victor.

Si Eddie ay gumaganap na Apo Roman sa naturang pelikula na isang leader ng isang drug syndicate. Ubod ng sama rito ang dalawa sa kanyang mga anak na sina Ace (David) na isang hitman at si Victor (Darwin) habang si Mikey Arroyo naman ay gumaganap na Angelo, ang mabait na alagad ng batas na naiipit sa pagitan ng kanyang pamilya at tawag ng kanyang tungkulin.

"Very complex ang role ko sa movie," sey ni Mikey. "Malalim ang character ni Angelo kasi may mga nais siyang mangyari sa buhay niya na alam niyang imposibleng mangyari."

First movie ng Viva Hot Babe na si Maui Taylor ang Masamang Ugat.

"Nakakapanibago dahil hindi ako pinaghubad ni Direk Willy Milan in this movie, pero may mga sexy scenes pa rin ako," natatawang pahayag ni Maui, ang itinuturing na pinakabagong reyna ng Viva among the Viva Hot Babes.

Matapos mapansin nang husto ang husay niyang umarte sa pelikula Ang Huling Birhen sa Lupa, may dalawang bagong pelikulang sisimulan si Maui sa kanyang home studio.

Kahit sobra ang hectic ng kanyang schedule dahil sa trabaho, aminado pa rin si Maui na naisisingit pa rin umano niya ang kanyang lovelife, She is currently seeing a non-showbiz guy.
* * *
Email: <[email protected]>

vuukle comment

ASHLEY

CARA

DAHIL

HANS

KANYANG

MARITONI

MASAMANG UGAT

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with