^

PSN Showbiz

Jay Manalo, walang magulang na kinamulatan

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Usung-uso ang pagsasadula ng buhay ng mga artista sa telebisyon. Ang magkabanggaang Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman ang gumagawa ng ganitong istilo.

Nag-uunahan ang dalawang programa sa pagkausap sa mga artista para makuha ang karapatang maisadula ang istorya ng kanilang buhay, balita nami’y nagpapataasan din sila sa presyo, mapasakanila lang ang istorya.

Ningning ng pangalan at kakulayan ng buhay ng personalidad ang ilan sa mga pamantayan kung bakit kinukuha ng mga programang ito ang istorya ng buhay ng artista, mas makulay at mas interesante, mas tututukan ng manonood.

Isa sa mga kuwentong bukod sa makulay na ay kilalang-kilala pa ang may-ari ay ang buhay ni Jay Manalo. Mula sa pagkabata ay napakaganda na ng ikot ng buhay ng premyado nang aktor ngayon. Lumaki siya sa piling ng kanyang lola, dahil hiwalay ang kanyang mga magulang.

Ang kanyang ama ay may asawa ng iba, ang ina niya namang si Kim Lan Jones na isang Vietnamese ay nanirahan na sa Amerika, kaya si Jay ay nagmistulang anak ng lupa na kahit anong uri ng trabaho ay pinasukan para lang siya mabuhay.

Nagtrabaho siya sa Aranque Market bilang boy, bilang kargador, naging barker din siya ng mga jeep sa Divisoria, namulot ng mga bote at bakal para maibenta sa mga Intsik sa Tondo.

Naging cigarette vendor din siya sa kahabaan ng Claro M. Recto noon, nagtinda ng diyaryo, hanggang sa sumali nga siya sa isang male search sa panunudyo ng kanyang mga kaibigan.

Nagpalipat-lipat ng tirahan si Jay, napatira siya sa Bulacan sa isang may-edad ng kaibigan, tumira rin siya at kinupkop ng isang mag-asawa sa Sampaloc. Napakamakulay nga ng buhay ng aktor na ito.
* * *
Ang makulay niyang nakaraan ang dahilan kung bakit magaling na aktor si Jay Manalo. Kung bakit malalim ang kanyang pinaghuhugutan sa pag-arte, kung bakit sinsero ang kanyang pagganap.

Kahit anong klase ng papel ang pagampanan sa kanya ay nabibigyan niya ng hustisya, kasi nga ay napakabulaklak nang nakaraan niyang buhay, ang mga karanasang ‘yun ang nagbibigay ng buhay at sigla sa kanyang pagkaartista.

Kung magkakainteres ang Maalaala Mo Kaya sa buhay ni Jay Manalo ay siya mismo ang kailangang gumanap bilang siya. Ang batang Jay na lang ang kailangang hanapin ng produksyon, dahil si Jay lang ang makapagbibigay ng makatotohanang pagganap sa sarili niyang kuwento.

Napaka-natural na aktor ni Jay, maluwag siyang kumilos at magdeliber ng dayalog, palibhasa’y wala siyang inhibisyon at kung anu-anong lihim na itinatago sa buhay.

Kung totoo ay inaamin niya, kung hindi naman ay nangangatwiran siya. Hindi uso kay Jay ang mga pakiyemeng sagot na pagdating ng panahon ay sisingaw din naman pala.

At ang pinakamagandang katangian ng aktor ay hindi siya nakalilimot sa kanyang pinagmulan. Ang mga kaibigan niya ngayon ay ang mga kaibigan pa rin niya noong bata siya, at umuuwi pa rin siya sa Tondo kung saan siya nag-ugat.

Marunong din siyang tumanaw ng utang na loob, natatandaan niya ang mga taong nakatulong at tumutulong pa rin sa kanya, binabalikan niya ng pasasalamat ang mga taong may mahalagang bahagi sa kanyang buhay.

Maaaring nawala nga siya pansamantala, pero ang mga artistang tulad ni Jay na nakapag-iwan na ng magandang tatak sa publiko ay hinding-hindi na mawawala, palagi silang may espasyong babalikan sa showbiz.

Ang problema lang, kung ilalahad nang buong-buo ng MMK ang istorya ng buhay ni Jay Manalo at tututukan ang kanyang pagkakaroon ng maraming karelasyon at anak ay mangangailangan ng malaking casting ang produksyon.

ARANQUE MARKET

BUHAY

JAY

JAY MANALO

KANYANG

KUNG

MAALAALA MO KAYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with