^

PSN Showbiz

Aubrey, ayaw kay Troy

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Balita ngayong may pagkakaunawaan na sina Aubrey Miles at Troy Montero na dating nobyo ni Nikki Valdez. Tinanong ko si Aubrey kung totoo ngang may relasyon na sila ni Troy.

"Hindi totoo yan! Nagti-text lang si Troy sa akin at minsan ay dumadalaw sa MTB. Si Kris ang nagpakilala sa akin kay Troy dahil gusto raw niya akong makilala. Tapos dumadaan na siya sa MTB. Ibinigay ni Kris yung number ko sa kanya at dumadalaw na siya sa taping ko. Feeling ko, hindi kami bagay dahil masyado siyang sosyal. Wala akong time na makipag-boyfriend ngayon dahil gusto kong mag-concentrate sa aking career," sey ng seksing aktres.

Baka magkaroon si Aubrey ng entry sa Metro Manila Film Festival kung ipapasok ni Mother Lily ang Gagamboy na tatampukan ni Vhong Navarro sa direksyon ni Erik Matti.
Sikreto Ni Eddie
Maraming nagtatanong kung ilang taon na ba talaga si Eddie Garcia? Ayon sa magaling na aktor at direktor ay 84 years old na siya pero gumagawa pa rin ng action movies at aktibo pa sa showbiz.

Ano ba ang sikreto niya?

"Alaga ko ang katawan ko ever since bata pa ako. Hanggang ngayon ay umiinom pa rin ako ng vitamins at iba pang gamot. I take 14 kinds of supplements at never akong pumalya. Nag-e-exercise pa rin ako para maging maganda ang katawan. Nagta-target shooting ako na hobby ko dahil kailangan ito sa mga action movies ko," sey pa nito.
P2m Ang Dp Ni Nora
May balitang nakarating sa amin na inaalok ng Violett Films si Nora Aunor para gumawa ng pelikula sa kanilang kompanya pero, mas pinaboran nito ang Angora Films na may entry sa MMFFP titled Bituin, Buwan at Araw kung saan malaki ang talent fee ng superstar.

Down payment pa lang ay binigyan na si Guy ng P2 M dahil balitang P80M ang production cost ng movie. Bongga di ba?

Metikuloso si Direk Elwood Perez at hindi siya papayag na mapag-iwanan ang kanilang pambatong entry this December.
Aiai-Dolphy, May Movie
Tumabo nang husto sa takilya ang pelikulang Ang Tanging Ina ni Aiai delas Alas kaya naman naging interesado si Dolphy na kunin ang kanyang serbisyo para gumawa ng pelikula sa RVQ Productions. Hindi pa tiyak kung ang magiging titulo nito ay The King and Aiai.

Excited na si Aiai dahil pangarap nitong makatambal si Dolphy at idolo niya ito pagdating sa pagpapatawa. Dahil sa dami ng blessings na dumarating sa buhay ay hindi na pinapansin ni Aiai ang mga intrigang ipinupukol sa kanya.

vuukle comment

AIAI

ANG DP NI NORA

ANG TANGING INA

ANGORA FILMS

AUBREY

AUBREY MILES

DAHIL

DIREK ELWOOD PEREZ

DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with