^

PSN Showbiz

Carlo, susundan ang paghuhubot-hubad ni Leandro

-
Sa halip na ikahiya ni Carlo Muñoz ang paghubo’t hubad ng kapatid nitong si Leandro Muñoz sa pelikulang Lupe ay ipinagmamalaki pa niya ito. Naniniwala siya na ang ginawa ng kanyang kapatid sa naturang pelikula ay trabaho ng isang tunay na aktor at hindi lang isang "for the sake of arts", ‘ika. Hindi madali para sa isang artista ang makipagtalik sa harap ng kamera lalo kung hubo’t hubad ito.

Kaya sa halip na ikahiya ni Carlo ang kapatid nito sa klase ng papel na ginampanan sa Lupe ay balak pa raw nitong sundan ang yapak ng kanyang kapatid sa tamang panahon. "Maybe not now but eventually, I may do a bold role like my brother. I’m proud of him kasi mahirap gawin ‘yun."

Kasalukuyang naghahari ngayon sa lahat ng teleserye ang Bituin kung saan naniniwala kaming isa si Carlo sa mga sinusubaybayan ng mga manonood base sa mga reaksyon ng mga manonood na gustung-gusto ang aktor. Naniniwala siya na isang araw ay siya naman ang bibigyan ng pagkakataon at buong suporta ng kanyang mother studio para maging bidang lalaki sa isang pelikula o sa isang soap. – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

BITUIN

CARLO MU

ISANG

KAPATID

KASALUKUYANG

KAYA

LEANDRO MU

NANINIWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with