^

PSN Showbiz

Last album ng STEPS

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Pagkatapos ng limang taong pagsasama ng isa sa Britain’s best-loved pop groups na Steps, nag-decide ang limang myembro na buwagin ang kanilang grupo.

Ang dating grupong Steps ay binubuo nina Faye Tozer, Claire Richards, Lee Evans, Ian Watkins ("H") at Lisa Scott-Lee.

Pero bago tuluyang maghiwa-hiwalay ang grupo ay bumuo muna sila ng isang farewell album na may pamagat na "The Last Dance" bilang pasasalamat sa kanilang mga fans worldwide.

Ang kanilang final album na "The Last Dance" ay naglalaman ng mga kantang hindi pa naririnig mula sa grupo.

Ang Steps ay umani ng 13 consecutive Top 5 hit singles na tanging grupo na pumangalawa sa Beatles. Bumenta sila ng 12 million records and "Greatest Hits" album. Ang first global hit ng grupo ay "5,6,7,8", album na naglalaman ng "Steps One", "Last Thing On My Mind" at "One For Sorrow". Ito’y bumenta ng 2.5 million copies worldwide.

Ang Farewell album na "Last Dance" ng Steps ay release ng Universal Records sa ating bansa.
*****
Halos magta-tatlong taon na ang team-up nina Jodi Sta Maria at Patrick Garcia.

Si Jodi ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya. Mula pagkabata ay hindi niya nakita ang kanyang ama. Si Jodi rin ang nagpagamot sa kanyang ina nang magkasakit ito ng breast cancer.

Ang paboritong awitin ni Jodi ay "Summer In Time," isang malungkot na kanta "Kaya pagdating sa set marami akong bitbit na emosyon. Madali para sa akin ang umiyak dahil marami akong pinaghuhugutan ng malulungkot na alaala before," komento ni Jodi.

Samantala, sinasabing suplado si Patrick lalo na sa taping dahil hindi siya namamansin at walang kibo. Ang hindi nila alam, nagi-internalize si Patrick ng kanyang role.

Parehong open ang dalawa sa kani-kanilang lovelife. Si Patrick ay may Bianca King, isa itong commercial model. At si Jodi naman ay obvious na in-love sa kanyang bf na si Pam Lacson.

vuukle comment

ANG FAREWELL

ANG STEPS

BIANCA KING

CLAIRE RICHARDS

FAYE TOZER

GREATEST HITS

JODI

LAST DANCE

SI JODI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with