G-Girls, walang binatbat sa SBG
February 3, 2003 | 12:00am
Panauhin kamakailan sa grand fans day ni Marvin Agustin ang mga G-Girls na madalas sumayaw sa MTB sa ABS-CBN. Kulay at disenyo lamang ng mga damit na suot nila ang magaganda sa kanila. At umaawit na rin sila katulad ng Sex Bomb Girls. This time, ang G-Girls ay nakakontrata na at may album na rin sa Vicor Music Corporation. Wala silang originality. Manggagaya at mga impostor! Ito ang mga pananalitang paulit-ulit kong mga naririnig sa mga katabi kong avid fan yata ng Sex Bomb Girls.
Sabi pa ng nasa kabila, "Walang dating kapag sumasayaw at kumakanta ang mga G-Girls. Para ka lang naglalakad sa kahabaan ng Aurora Blvd. sa Cubao na nakakasalubong gabi-gabi ng mga tao na sitsit ng sitsit para mag-alok ng mga panandaliang aliw.
Sabi ko, hindi naman siguro. Huwag naman natin silang husgahan ng ganyan.
Pero nung marinig ko na silang kumanta. Honestly, para tuloy akong nakumbinsi na nga ako sa mga komento ng mga nakatabi ko. Huwag silang magagalit sa akin, pero parang kahit mag-showdown sila ng Sex Bomb Girls, malayung-malayo ang agwat nila. Parang tapos ng kumain at natutulog na ang Sex Bomb Girls pero ang G-Girls ay nagluluto pa lang ng kanilang mga kakainin. Ganyan yata talaga ang original di puwedeng gayahin. Boni A. Casiano
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
























