^

PSN Showbiz

Vi, proud kay Lucky!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mapalad si Vilma Santos bilang artista, mayor at ina. Malapit nang magtapos si Lucky ng kursong Hotel & Restaurant Management kaya ipinauubaya na lang niya rito ang pagdedesisyon sa kanyang career.

Ayon pa rin kay Vi ay hindi siya nakikialam pagdating sa lovelife ni Lucky. Nagbibigay siya ng suggestions kapag may ipinakikilala sa kanyang girlfriend pero, naniniwala siya na hindi pa handang pumasok sa isang seryosong relasyon si Lucky.

Naiyak sa kagalakan si Vi nang bonggang i-welcome sa ASAP bilang kapamilya ng ABS-CBN.

Magiging abala siya sa promosyon ng Dekada ’70 na magiging entry ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines.
‘LAPU-LAPU’, Tuloy Pa Rin
Maraming nagtatanong kung ano na ang nangyari sa pelikulang Lapu-Lapu kung saan akala nila ay hindi na ito matutuloy dahil sa financial problem. Pero malapit na itong mag-last shooting day at ang pinaka-highlight ay ang pagpatay ni Lapu-Lapu kay Magellan.

Yari na rin ang malaking Spanish galleon na gagamitin sa pelikula na ayon kay Direk William Mayo ay ido-donate nila sa Subic para maging tourist attraction.

Ang Lapu-Lapu ay isa sa inaabangang entry ng Calinauan CineWorks sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines kung saan naging all-out ang support ni Lito Lapid para matapos lang ang big-budgeted movie.
Pyar, nagpaliwanag tungkol sa "Mahiwagang Bahay"
Nahirapan si Pyar Mirasol sa role niya bilang star dancer na nagsi-service sa mga lumang sinehan para mag-init ang pagkalalaki ng ilang manonood. Kaya lagi siyang may dalang tissue paper at alcohol. "Nahirapan talaga ako sa papel na ginampanan ko dahil hindi naman ako ganoon sa tunay na buhay. Isa akong malanding estudyante sa Sex Files na umagaw kay John Apacible sa aking kapatid na ginampanan naman ni Ana Capri. Pero nobyo ko si Marcus Madrigal dito," aniya.

Pinabulaanan niya ang balitang nagkakamabutihan sila ngayon ni Marcus. Nang tanungin ng isang reporter kung totoong binigyan siya ng bahay ng prodyuser ng MMG Films na si Engr. Ervin Mateo ay natawa ito. "Anong bahay? Wala siyang ibinibigay sa akin at lalong hindi totoo ang tsismis tungkol sa amin. Naging magkakabarkada lang kami nito gayundin sina Ronald Gan at Yam Ledesma,"
Nagkatikiman ang sikat na aktor at baguhang sexy star
Nagsyuting sa isang malayong lalawigan ang sikat na aktor na dating matinee idol at ang baguhang seksing aktres. Nataypan agad ng sexy star ang aktor dahil talaga namang malakas ang sex appeal nito kahit may asawa na.

Isang madaling araw nang i-pack-up ang kanilang syuting ay nagkatikiman ang dalawa sa van ng aktor na nakaparada sa isang madilim na lugar.

Ang aktor ay nagkaroon ng relasyon sa isang sikat na sikat ding aktres ngayon kung saan naging kontrobersyal ang kanilang pag-iibigan dahil hindi boto sa aktor ang pamilya ng ex-girlfriend.

vuukle comment

ANA CAPRI

DIREK WILLIAM MAYO

ERVIN MATEO

JOHN APACIBLE

LAPU

LAPU-LAPU

LITO LAPID

MAHIWAGANG BAHAY

METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with