^

PSN Showbiz

Jolina, tinatanggap na loveteam ni James Blanco

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hataw ngayon sa rating ang Kahit Kailan na pinangungunahan ni Jolina Magdangal. Maswerte si James Blanco na kapareha niya dahil nahihila itong pataas ni Jolens. Siya rin ang leading man nito sa entry ng RVQ Productions titled Home Alone Da River na tatampukan nina Dolphy at Zsazsa Padilla kasama sina Eddie Gutierrez at Vandolph.

Marami ang nakakapuna na kahit sino ang ipareha kay Jolina ay kumikita mapa-telebisyon.

Sa kabilang banda ay puring-puring nina Dolphy at Direk Eric Quizon ang actress-singer dahil propesyonal ito at masarap katrabaho. Sinabi naman ni Jolens na enjoy siya sa syuting ng pelikula dahil mababait ang mga kasamahang artista lalo na si Dolphy. Cool na cool na direktor si Eric at mabait din ito ayon pa kay Jolens kaya smooth ang syuting. Kailangang matapos ang movie in time for the Metro Manila Film Festival Philippines.
Arnold C., May Foundation Na
Sa isang pakikipagkwentuhan sa aming paboritong si Arnold Clavio ay nasabi nito na malambot ang kanyang puso lalo na sa mga batang may cancer. Kaya nga itinatag niya ang IGAN Foundation kung saan umiikot sila sa mga ospital at sinimulan na ng kanyang brigada ang pagtulong niya sa mga batang may sakit. Mga malalaking tao o pilantropo ang tumutulong sa kanyang foundation. Pangarap nga ni Igan na sana’y magkaroon ang bawat ospital (gaya ng Australia) ng entertainment o fun center kung saan magkakaroon ng maliit na TV o play station para sa mga batang may karamdaman. May personal touch si Arnold kapag dinadalaw ang mga batang may sakit.

Ngayong darating na November 2 ay magkakaroon siya ng golf tournament for a cause na ang beneficiary ay ang kanyang foundation.

Nagpupunta rin siya sa mga remote areas gaya ng Bicol para sa medical mission.

Kahit masasabing isa na sa pinaka-popular at maperang broadcaster at TV host si Arnold ay marunong pa rin itong mag-share ng mga biyayang natatanggap kaya lalo pa siyang nagtatagumpay sa buhay.
Ruffa-Zoren, Balik-Tambalan
Nagsimula nang mag-taping ang Habang Kapiling Ka ng GMA-7 kung saan magkasama sina Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez.

Noong una ay ayaw maniwala ng magandang aktres na magbabalik-tambalan sila. Naniwala lang siya nang makaharap mismo ang aktor sa isang presscon.

Magtatagal sa bansa si Ruffa dahil sa teleserye at baka makakasama rin ito sa isang talk show na gagawin sa Siyete.
Miriam, Nawala Sa 'Unang Hirit'
‘Unang nawala si Hans Montenegro sa Unang Hirit at lumipat na ito sa Channel 2 bilang host ng programang Breakfast.

Sa presscon ng Unang Hirit ay wala na rin si Miriam Quiambao kaya ilan sa mga katabi kong writers ay nagtanong. "Hindi kaya lumipat din siya sa Dos?" anila.

Ayon sa EP ng programa, kaya nagpaalam sa Unang Hirit si Miriam ay para makapag-concentrate sa Extra, Extra. Hindi raw iiwan ng dating beauty queen ang GMA-7 dahil mananatili siyang loyal sa istasyon na nagbigay sa kanya ng malaking break.
Blind Item: Nagtitili Ang Sikat Na Actress-Singer Sa Gay Bar
Nakakatawa naman ang naranasan ng popular na singer-actress na ito nang minsang niyaya siya sa isang gay bar. First time niyang pumunta doon kasama ang ilang kaibigang kolumnista.

Nang dumating na sa pinaka-highlight kung saan gigiling habang sumasayaw ang macho dancer ay nakatingin lang ito. Pero nang hubarin ng macho dancer ang saplot para ipakita ang ari ay bigla itong nagtitili at di ma-take ang kanyang nakita. Ang nakakatuwa, ang kanyang hit single ang ginamit na music background ng macho dancer.

vuukle comment

ARNOLD C

ARNOLD CLAVIO

BLIND ITEM

CENTER

DOLPHY

JOLENS

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with