^

PSN Showbiz

Kasal ng action star at singer, bulilyaso!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Pursigido ang action star na mauuwi sa kasalan ang pagmamahalan nila ng nobyang singer. Nakapag-ipon na siya ng pera at ngayon ay matatag na ang buhay dahil bukod sa pagiging in-demand sa pelikula ay nakapagpatayo na rin ito ng ilang negosyo.

Noong una ay okey naman sila ng ina ng nobya pero dahil sa pagiging mama’s girl o sunud-sunuran ng nobya sa ina nito ay nagkaroon ng problema sa kanila lalo na at madalas pang nasa abroad ang actress-singer. Lumabo ang kanilang relasyon hanggang tuluyan nang magkahiwalay. Nanghihinayang ang aktor dahil kung kailan pa naman siya handang ibigay dito ang matatag na pamumuhay ay saka naman sila nagkahiwalay ng landas.
Jay, Ayaw Makialam Sa Away Ng Manager At Ni Assunta
Hindi sukat akalain ni Jay Manalo na mauuwi sa demandahan ang dating magandang relasyon nina Manny Valera at Assunta de Rossi. Ayaw nitong makialam sa away nila. Pero ipinagtanggol naman ni Jay ang kanilang manager at sinabing nakita niya kung paano inalagaan nito si Assunta kaya nga sumikat ito nang husto.

Sa kabilang banda, sunud-sunod ang projects ni Jay dahil sa tulong ni Manny. Bahagi pa rin ng Kung Mawawala Ka ang magaling na aktor katambal si Ara Mina.

Para ngang may festival of movies si Jay dahil linggu-linggo ay may pelikula siyang ipinalalabas. Ito’y pagpapatunay lang na wala nang attitude problem ang aktor na inirereklamo sa kanya noon.
Jessa, Wala Ng Problema Sa Ina
Kagagaling lang ni Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ng States kung saan dumalaw sila sa ina ng aktres na si Eileen Chong na naninirahan na sa San Diego, California. Bago umalis ng bansa ay nagkaroon ng di-pagkakaunawaan ang dalawa.

Nagkabati na sina Jessa at ina niya. Patuloy ang komunikasyon nila kahit nakauwi na ng bansa si Jessa.

Kasama si Jessa sa teleserye na Bituin. Ang role niya ay manager ni Carol Banawa na magpapasikat sa kanya bilang mang-aawit. Tatlong beses sa isang linggo ang taping nito. Inaayos ni Jessa ang kanyang sked dahil ayon sa doktor ay stress at pagpapagod ang dahilan kung kaya hindi siya nabubuntis.
Laila, Balik-Pelikula
Matagal-tagal na ring di nakalabas sa pelikula ang prodyuser at aktres na si Laila Dee. Nag-concentrate kasi siya sa kanyang negosyo at idagdag pa ang kanyang posisyon sa Movie Producers Distributors Association of the Philippines (MPDAP) at ang pagiging host ng radio program sa DZME na nagbibigay ng payo sa mga taong may problema at mga isyung pang-showbiz at sa gobyerno.

Masayang ibinalita ni Laila na magbabalik-pelikula na siya at katunayan ay may natapos na siyang movie titled Pambayad Utang na siya ring maglulunsad sa pagiging ganap na bituin ng baguhang si Rosemarie Rose na gaganap na anak niya.

Huling napanood si Laila sa Ubusan ng Bala. Noong kasagsagan niya sa paggawa ng pelikula ay nakilala rin siyang sexy star. Prodyuser siya ng Eldee Films na nakagawa rin ng maraming pelikula.
Maybelyn, Nahahasa Sa Akting
Isa si Maybelyn dela Cruz na malayo ang mararating sa kalipunan ng mga kabataang artista. Pwede kasi siyang maging bida at pwede ring maging kontrabida gaya ng papel na ginagampanan niya sa Kung Mawawala Ka.

Ayon sa aktres, malaki ang naitulong ni Direk Joel Lamangan para siya maging mahusay. "Kailangan kasi na laging take one ka sa mga eksena. Kaya memoryado ko na ang mga linya kapag dumating sa set. Hindi ko pa naranasan na masigawan ni Direk," sey ng young actress.

Bini-build up nang husto si Maybelyn ng GMA Artist Center.

ARA MINA

ARTIST CENTER

CENTER

JESSA

KUNG MAWAWALA KA

LAILA

MAYBELYN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with